Chapter 10

83 11 0
                                        

Her POV

This vacation is really exciting!

I look at the sea. There's something that resembles my home. I missed my family and friends. Hindi ko maiwasang hindi malungkot kapag naaalala ko sila.

--

Niyaya ko si Luin na lumangoy sa dagat, not minding his protests. I grabbed his hand and jumped off the boat.

Dinala ko siya sa ilalim nang dagat. Mariing nakapikit ang kaniyang mga mata. Is he scared? I laugh in my mind.

"Open your eyes."

Medyo nagulat siya nang marinig ang boses ko.

"Open your eyes. Ang ganda kaya dito sa ilalim ng dagat"

He slowly open his eyes. He looks amazed on what he's seing.

He gesture something. Probably he's saying that he needs air.

I swim towards him.

He's panicking. He's out of breath.

Hindi aabot kung dadalhin ko siya sa taas. Mawawalan lang siya ng malay

Like I did before. Binigyan ko siya ng hangin. Alam niyo na kung paano.

Nanlaki ang mata niya. He's blushing hard right now.

This is awkward.Lumayo rin ako agad sakaniya pagkatapos ko siyang bigyan ng hangin.

Aish! Why did I do that?

It's embarassing.

"Gusto mo na bang bumalik sa bangka?" Tanong ko habang nag-iiwas ng tingin.

Bahagya ko siyang tiningnan. Dahan dahan siyang tumango.Once again, I grabbed his hand. Umahon na kami. Bumalik kami sa pwesto namin kanina. Naging tahimik ang biyahe namin papunta sa isla. Maliban na lang sa motor ng bangka.

"Uhmm... Tara kumain?" Yakag niya sa'kin. Kasabay ng pagtango ko ay ang pagdating namin sa isla. 

Naglatag siya ng isang malaking tela. At doon pinatong niya ang dala niyang bag.Naglabas siya ng ilang pagkain. Kinuha niya ang isang sandwich at inabot yon sakin. Tinanggap ko iyon at nagpasalamat.

Pansin ko na tahimik siya ngayon. Dahil ba sa nangyari kanina? What I mean is yung kanina sa ilalim ng dagat. I hope it's not a big deal for him.

Kinain ko na lang yung sandwich dahil inuunahan na ako ng mga langaw. After we eat,  napagpasiyahan namin na maglibot muna sa isla. The island is not big but not that small either.Iginala ko ang aking paningin. The scenery is splendid. Pino ang puting buhangin na kumakapit sa aking nakayapak na paa. Makikita rin ang bughaw na langit. Pati narin ang napakalinaw na tubig ng dagat.

Sa hindi ko malamang dahilan, parang hinihila ako ng dagat. Kusang gumalaw ang aking mga paa at naglakad patungo roon.

"Saan ka pupunta?" Rinig ko ang tinig ni Luin na tinawag ako. Gusto kong lumingon sa gawi niya pero hindi ko magawa. Patuloy akong naglakad hanggang umabot na ang tubig sa aking leeg.

May kamay na humablot sa aking braso at pinihit ang aking katawan paharap sa kaniya. "Ano bang gagawin mo? Bakit hindi ka sumasagot sa tanong ko? Kung gusto mong maglangoy ulit sa dagat, dapat sinasabi mo man lang."  Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Luin.

Para akong nagising sa isang panaginip. Habol ko ang aking hininga na para bang nalimutan ko kanina. Ano bang nangyari?

"Ah, pasensiya na. Gusto ko lang talagang maligo ulit sa dagat." I flashed a smile and chuckled a little. Sana hindi niya napansin ang kaunting pamumutla ng aking mukha.

"Yun naman pala eh. Dapat sinabi mo kaagad," natatawa niyang sabi.

Para mawala ang kaunting takot na naramdaman ko kanina. I sprinkled water on his face. Kumuha ako ng tubig at hinagis sakaniya. Dahil magkalapit lang kami, hindi niya naiwasan. Nakakatawa ang mukha niya, kunot na kunot. Hindi ko napigilan ang tawa ko. Nakalunok kasi siya ng kaunting tubig galing sa hinagis ko.

"Nakakainis ka naman eh. Naisahan mo ako dun." Kunwaring galit, pero nakangiti naman?

Hinagisan din niya ako ng tubig. Inilubog ko lang ang katawan ko kaya hindi niya ako natamaan.

Hinigit ko ang paa niya pababa. He lost his balance. Parehas na kaming nakalubog sa tubig. Kiniliti ko siya sa may bewang niya kaya naman para siya kiti-kiti magpumiglas sa tubig.

"Suko ka na?" I said playfully. Malakas pala ang kiliti ng isang to.

Akala ko tatayo na siya para makalanghap ng hangin. Pero hindi ko inaasahan na yayakapin pa niya ako para matigil sa pangingiliti.

--

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon