Chapter 06

94 11 5
                                        


Her POV

Why do I feel that something bad will happen?

Nakasandal ako sa isang puno nang biglang may dumaan sa harapan ko. Nandito siya. Weird, hindi niya ako pinansin. Hindi nga ba pinansin o sadyang hindi niya ako napansin?

Tuloy-tuloy siyang naglakad patungo sa lawa.

I noticed his eyes. It has no life, para bang wala nang ganang mabuhay. Mga matang puno ng lungkot at... galit?

Bakit? Ano bang nangyari?

Tumigil siya saglit sa gilid ng lawa, pero kinalaunan ay tumalon siya. Akala ko gusto niya lang magliwaliw sa lawa, pero lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin sya umaahon.

I don't know but I felt nervous all of a sudden. What did he do?

Nagdesisyon akong sundan siya sa lawa para tingnan kung anong kalagayan niya.

I saw him in a deep part of the lake, unconcious.

Tsk. He's such a pain in the ass. He's insane! I grabbed his arms and swim upwards.

Hindi ko inaasahan na magpapakalunod siya. Gusto ba talaga niyang magpakamatay? He's frustrating me! I checked his breathing. None. I checked his pulse. Still beating.

In order to save his life. I need to do CPR.

I gently push his chest but with enough force. I did it ten times. Still not breathing! Kumakabog na ang dibdib ko. Kinakain na ako ng nerbyos.

"Please don't die." Kinakabahan kong sabi.

Huminga ako ng malalim. I slightly parted his lips. Nilapat ko ang labi ko sa labi niya. Tinakpan ko ang ilong niya at binigyan siya ng hangin.

Wake up!

Pagkatapos na pagkatapos ko siyang bigyan ng hangin, bumuga siya ng tubig. I sighed in relief. He's awake now. Para akong tumakbo dahil tulad niya hinihingal din ako. Dala siguro ng kaba.

"Do you want to die!?" Singhal ko sa kaniya.

"Are you insane!? Why did you drown yourself!? What if I'm not here? Then you could have... died." Mula sa pasigaw kong boses, humina to hanggang maging mahinahon. Saglit kong naramdaman ang panghihina.

Nakayuko lang siya habang naghahabol ng hininga. Despite of his wet face, kitang-kita ko pa rin ang pag-agos ng mga luha mula sa kaniyang mga mata.

I hugged him and gently patted his back. "I know you can overcome that. Remember, death is not the solution to your problems, and it will never be. Kung namatay ka ngayon, paano mo malalampasan yan? Kung hindi mo haharapin yan, tatawagin kitang duwag. Hindi lang ikaw ang nakakaranas niyan sa mundo. Yung sa iba pa nga mas malala. So cheer up! Marami kang karamay. Huwag mong kakalimutan na may nagmamahal sa'yo."

Napahinga na lang ako ng malalim. I'm trying to lighten up the atmosphere. Pero mukhang mas lalo pa siyang umiyak. Ayos na rin na umiyak siya. Kaysa naman sa kimkimin niya. Mas masakit yun, diba?

Hinayaan ko lang siyang umiyak sa balikat ko. I hope that it would help to ease the pain even a little.

--

A/N: Short update. Sorry. 

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon