Chapter 04

104 11 0
                                        

Her POV

"Why are you telling me this?" He asked.

"I'm telling you this because you need to accept it. Accept the truth."

"Accept the fact that she loves someone else?"

"Sa'yo na nanggaling. She loves someone else, and that someone is not you." A tear slowly goes down through his cheek, again. 

"Masakit diba? Sinabi ko naman sa'yo na mas masasaktan ka kung hindi mo siya bibitawan."

I heave out a sigh and look directly into his eyes. "Listen.. I didn't mean to be harsh but you need to know it."

I stand up. "I guess you need to be alone," I murmured. Nakayuko lang siya.

Sorry.

Tumalikod ako sa kaniya at nagsimulang maglakad. I climbed on a tree. I made sure he can't see me here.

Ang gulo ko ba? I comforted him but I said some things that will make him cry more. Perhaps?

A drop of water fell on my face. I looked up. It's starting to rain.

Mukhang dinadamayan ng langit ang pighati niya. A sad smile curved on my lips.

I hope you'll be fine. I hope.

--

Another day came, I'm sitting on a branch of a tree again. Umiiyak pa rin ang langit.

Sana maging maayos lang siya.

Tumalon ako pababa at umalis.

It's time to roam this city once again. Habang may pagkakaataon pa. I should create more memories before I go back there.

There... the place where I truly belong.

A cloudburst occured. I smiled. Binigyan pa ako ng mga ulap ng mas mahabang oras para malibot ang lugar na ito.

In order for me to be in this form, I mean in human form. I should be drenched in water. Hindi naman sa hindi ako tao. I am a human. Yun nga lang hindi ako ordinaryo. Superhuman kumbaga.

While I was walking, may nakaagaw ng pansin ko. An antique store. I guess.

And because of curiosity, I walk in, not minding that I'm drenched. Para bang may nagtutulak sa akin na pumasok doon.

"Magandang umaga, hija. May maitutulong ba ako sa'yo?" An old lady approached me, smiling. At dahil hindi naman ako suplada, ngumiti rin ako pabalik.

"Naghahanap lang po ako ng pwedeng maging souvenir."

"Ah, ganun ba? Para kanino mo ba ibibigay?"

Umiling ako, "Hindi ko po ibibigay, para lang po sa sarili ko."

She smiled once again. "Halika, hija, sa tingin ko ay babagay sayo ang mga ito."

Dinala niya ako sa lamesang puno ng makukulay at magagandang kwintas. Simple lang ang disenyo pero magaganda ito.

"Pumili ka, hija, ako mismo ang naggawa ng mga iyan. Hindi yan kasama sa mga antique na bagay dito. Bukod ko iyang binebenta," kwento ni lola.

"Ganun po ba? Ang galing niyo pong gumawa ng kwintas." Natuwa siya sa sinabi ko.

Pinagmasdan ko isa-isa ang mga disenyo nito. Pinili ko yung kwintas na may pendant na parang patak ng tubig.

It resembles myself.

Binayaran ko na ito. Nagpasalamat ako kay lola. Ganun din ang ginawa niya. Nagpatuloy na ulit akong maglakad. Isinuot ko ang kwintas.

Ang perang ipinambayad ko ay galing sa nanay ko. Kahit ako hindi ko rin alam kung paano siya nagkaroon nito. Basta niya nalang na binigay sa akin. Nasa loob pa nga ito ng kahon noong ibinigay niya kaya hindi ito nabasa. Eh ibang iba naman ang uri ng pera namin kaysa dito.

Tumigil ako sa isang parke. Kakaunti lang ang tao. Umupo ako sa isa sa mga bangko dito. Pinagmasdan ko lang ang mga taong labas-pasok sa mga tindahan.

Bigla ko nalang hindi naramdaman ang paghampas ng tubig sa aking katawan. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Nilingon ko ang taong nagpapayong sa akin ngayon.

"Akala ko ba ako ang broken hearted, pero bakit mas mukha ka pang nage-emo dyan? Dinaig mo pa talaga ako."

---

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon