Chapter 03

139 13 0
                                    

Luin's POV

Nagising ako nang naramdaman kong may kumakagat sa akin. Lamok? Ang kati eh. Ang dilim na nang magising ako. Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa damuhan.

Pagkabangon ko ay medyo nahilo ako. Nag-isip ako ng sandali para ma-alaala ang mga nangyari kanina. Sandali! Namamalikmata lang ba ako kanina o totoong naging tubig ang braso nung babaeng nakita ko kanina? Pinaglalaruan lang siguro ako ng isip ko. Tinignan ko sandali ang paligid para tignan kung nandito pa ang babae, pero wala na siya.

Tumayo na ako nang mapagpasyahan kong umuwi. Papagalitan ako ni Mommy kapag gagabihin ako ng husto sa pag-uwi. Habang naglalakad pauwi ay patigil-tigil ako sandali dahil sa sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko anumang oras ay matutumba na ako. 

Pagkarating ko ng bahay namin ay dahan dahan kong binuksan ang pinto para hindi makagawa ng anumang ingay. Takot ko nalang na mahuli ni Mommy. Habang naglalakad papasok ng bahay ay para akong isang magnanakaw na ayaw magising ang nanakawan. I look so stupid but it's for my safety from my mother. I don't want my Mom to---

"What time is it already, Luin Kael Deñigo? Uwi ba ito ng matinong lalaki?" Tanong ni Mommy habang nakatayo sa may hagdanan. Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. 

"What happened to your eyes?" Nag-aalalang tanong niya sakin at nilapitan ako. Dun na ako bumigay.

"Mom! Bakit po hindi ko kayang magkipaghiwalay sa kanya? 6 na buwan na niya akong niloloko pero ito ako at nagpapakatanga pa rin sa kanya. Ang sakit sakit na.  Pero anong magagawa ko? Mahal na mahal ko siya." Sabi ko kay Mommy habang yakap yakap niya ako. Niyakap ko na lamang ng mahigpit si Mommy pabalik. Maya maya ay nagsalita siya. 

"Love is always with pain. There is pain for you to learn how to love." 

"Thank you, Mommy. Magpapahinga na po muna ako." Bitaw ko sa yakap namin. 

"Sure. Sleep well, anak. Magiging maayos din ang lahat." Pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay napatingin ako sa orasan at nakitang maghahating-gabi na. Naligo ako ng sandali at nagbihis na. Matutulog na muna ako. Bukas ko na ulit po-problemahin ang lahat.

~~~

Kinabukasan ay late na akong nagising. Magtatanghali na at tinatamad na akong pumasok. Kinakabahan din ako at baka makita ko silang magkasamang dalawa. Mas maganda siguro kung sa likod na lang ako ng school pumunta at baka nandon ulit yung misteryosong babae kahapon. 

Pagkarating ko doon ay umupo ako sa damuhan malapit sa lake.

"Putspa!" Nagulat ako dahil may biglang umahon sa tubig at walang iba kundi yung babae ulit kahapon. Nakita niya ako kaya umahon at lumapit siya sa akin. 

"Sorry." Sabi niya and then nagpeace sign siya. Problema ng babaeng 'to?

"Sorry? Madaling magsabi ng sorry pero hindi sapat ang sorry para sa maling bagay na nagawa mo na. Anong klaseng sorry ba sinasabi mo? Yung hihingi ka ng tawad pero uulit-ulitin mo pa rin ang mali? Ang sorry, nakakabawas ng sakit pero hindi nakakaalis ng pagkakamali mo." Pagpapaliwanag ko ng hindi man lamang tumitingin sa kaniya.

"What are you talking about? I know it's not about me, right?"

"Yeah, It's about my girlfriend. She's cheating on me."

"Again, you're crying." She said and now she's in front of me and wiping my tears even her hands are wet, what a brat pero napagaan niya ang damdamin ko.

"Tunay nga na mahal mo siya dahil nakakaramdam ka ng sakit. It's okay, magiging maayos ang lahat pagdating ng araw." Niyakap niya ako kaya lalo pa akong naiyak.

"Wait, paano ka ba nakakapunta dito? Eh, bawal dito." Tanong ko sa kanya nang kumalma na ako.

"Paano ka ba napunta dito?" Balik tanong niya saakin.

"Na-puslit."

"What do you think? How did I get here?"

"W-wait, you did the same thing?!" Gulat kong tanong sa kanya.

"Yep." She said it like it was the most common thing to do.

"Hindi ka ba nagpapalit ng damit o sadyang puro yan lang damit mo?" I asked.

"Ahmm, puro ganito lang talaga dahil uniform ito. Adik." Oo nga naman. Tss.

"You're pathetic, you're just continuously hurting yourself. You should talk to her when your ready to hear those awful words from her." She said later. Napaamang ako sa sinabi niya.

"Why are you telling me this?"

---

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon