Sa dressing room.Nagbibihis na si Brendan, isang show lang sya sa isang gabi, pumasok ang manager.
"O ito ang 700, bukas ulit ha!" Nakangiting sabi ng manager na si Maxine.
"Ok salamat po," Sabi ni Brendan.
"Kayalang bago ka umuwi mayroong may gustong tumable sayo, si madam Lora, mayaman yon may ari ng restaurant," sabi ni Maxine.
"Naku sorry po hindi ako tumitable una pa lang alam mo naman diba?"
"Well ok nagbabakasakali lang kasi sayang din, bukas ulit ha!"
"Opo, salamat."
.......
Nasa labas na ng bar si Nostalgia at Caster..
"Anong masasabi mo sa napanood mo?"
"Napakagandang lalaki ni Brendan, kahit sinong babae ay maiibigan sya, napakaswerte naman ni Myrtle, biruin mo nayayakap sya ng matipunong dibdib na yun at nahahalikan sya ng labi ni Brendan,"
"Hmn oo nga, nakakainggit si Brendan."
"Pero nalulungkot lang ako."
"Ha bakit?"
"Naaawa ako kay Brendan kasi ginagawa niya ang ganon."
"Lalaki naman yon wala namang mawawala sa kanya, tsaka sumasayaw lang siya."
"Pero pinapakita nya yung ano nya!."
"Haha talagang ganon yon, kaya nga sya binabayaran dahil doon eh wala syang kapagod-pagod."
"Pero sana maghanap na lang sya ng ibang trabaho."
"Hayaan na natin sya, katawan naman nya yun eh, bahala sya sa buhay niya, tara na ihahatid na kita." Sabi ni Caster.
At nang sila ay naglalakad ay biglang nakita nila si Brendan na lumabas ng club.
Tinawag sya ni Caster.
"Brendan!" Malakas na sabi ni Caster.
Napalingon si Brendan at sya ay lumapit.
"Ikaw ba yung kaibigan ni Eric?"
"Oo ako nga, madali ka namang makalimot, madalas tayo maglaro ng basketball diba?"
"Ah ok natatandaan na kita."
"Sya naman si Nostalgia, nanood kami ng show mo eh."
Napatingin si Brendan kay Nostalgia.
"Ikaw yung kaibigan ni Laila at Myrtle diba?"
"Ah oo ako nga."
Tinitigan ni Brendan si Nostalgia at nahihiya sya dahil di naman sya kagandahan para titigan nito ngunit kinikilig si Nostalgia at di lamang niya ito pinapahalata.
"Hmm ok sige aalis na ako naghihintay na si Myrtle sa akin eh." sabi ni Brendan.
At umalis na sya.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)
HorrorApat na magkakaibigan ang bagong nakatuklas ng libro. Please follow me before you read this para di po kayo mabitin :) Only followers can read this story...Thank you and enjoy reading :) This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Hor...