Chapter 36

1.8K 56 3
                                    


"Oh really? But for me ay siya na ata ang pinakamagandang babae na nakita ko sa talambuhay ko haha! Your dad are so lucky to have her, she is one of a kind and also a good person." Sabi ni Elizar.

"But I really don't like her, I feel something fishy about that woman, and I don't know why?" Sabi naman ni Raven.

"But you can't stop your dad for loving her."

"Well anyway ... please tell me? Nasaan na ang aking kapatid, where is Empress?"

Hindi agad makakibo si Elizar.

"What your dad told you about that?"

"He told me that she is missing, pero wala naman syang sinasabi kung bakit sya nawawala?"

"Well this is sounds creepy but may isang maligno na nakapasok dito sa hotel at .......dinala nya si Empress kaya sya nawawala, but based in my research, nangyari na ito before at may pagkakataon na bumalik si Empress ng normal," Sabi ni Elizar, ngunit iniba nya ang tunay na pangyayari, ayaw ipaalam ni Don Luiz kahit kay Raven na si Empress ang isa sa nababalitang halimaw na gumagala sa syudad.

"What do you mean?" Laking gulat na tanong ni Raven.

"As I said, she was taken by unknown creature, but your dad was hired a supernatural expert, so no worries makakabalik si Empress gaya nang nangyari sa iba noon," sagot ni Elizar.

"This is really freaking ridiculous! How it happened? Hindi naman totoo ang mga maligno hindi ba?"

"Hindi mo ba nababalitaan na may mga gumagala sa syudad?"

Hindi nakakibo si Raven dahil hindi sya nanood ng news nung bagong dating sya at di pa sya nakapagbasa ng dyaryo. Nilabas ni Elizar ang dyaryo sa kanyang bag, at nakasulat doon ang tungkol sa mga taong ordinaryo na nagiging halimaw. Nagulat si Raven sa kanyang nabasa.

"Pero bakit nakapasok sa hotel ang bagay na yon, ano ang ginagawa ng ating mga security?"

"Walang nakita sa CCTV footage na may nakapasok na halimaw, parang dito sa loob nanggaling ang halimaw na iyon, at parang sa penthouse mismo, kaya nakakapagtaka!"

"Oh Empress!" Malungkot na sabi ni Raven.

"We have to wait, everything will be alright." Pampalubag loob na sabi ni Elizar.

"I felt sorry for her, pero di ko na muna maaaring sabihin to sa aming mama, she is sick," Malungkot na sabi ni Raven.

"So what is your plan?"

"I want a maximum security in this hotel at sa lahat ng ating branch, ako na muna ang bahala dito, at doon ka na muna sa BGC branch."  Utos ni Raven kay Elizar.

"Ok, bukas na bukas din." Tugon ni Elizar.

"And I need you to check other branches ok?"

"Masusunod Sir Raven." Sabi naman ni Elizar.

.......

Samantala sa dampa.

Inumpisahan ng gamitin ni Nostalgia ang Benditas.

...........

Kinabukasan sa paggising ni Nostalgia ay ang kanyang ina ang unang nakakita sa kanya.

"Anak?" Sabi ng nanay ni Nostalgia  nang sya ay bumababa sa kanyang papag.

At nakita din sya ng kanyang ama na si Renato at namangha ito nang sya ay nakita.

"Ikaw ba yan Nostalgia?"

"Eh opo, nagbago na po ba ang anyo ko?"

"Oo anak, ang laki ng iyong ipinagbago walang katulad!"

Kinuha ng kanyang ina ang kanyang maliit na salamin at binigay kay Nostalgia. At nang nasilayan nya ang kanyang mukha sa salamin ay namangha ito sa bago nyang kaanyuan.

"Naku anak kahit sinong lalaki ay mapapaluhod sa ganda mong yan!" Sabi ng nanay nyang si Ester.

"Mag iingat ka anak baka kabaliwan ka ng mga lalake!" Pag papaalala naman na sabi ni Renato.

Masayang nagpunta ng banyo si Nostalgia at sya ay naligo at nagbihis ng simpleng bestida na one piece.

"Aalis na po ako, papasok na ako sa aking trabaho."

"Pero papano? Iba na ang itsura mo anak?"

"Ah, mag aaply ulit ako nay sa hotel na yon, baka may mas nagandang posisyon ang ibigay sa akin, mas malaki sweldo."

"O sige anak, tiyak matatanggap ka,"

"Peeo high school lanang ang tinapos ko?"

"Huwag ka mag alala, ang mahalaga ay may ganda kang walang katulad, at matalino ka naman," masayang payo ng kanyang ina. Napangiti si Nostalgia.

"Bahala na nay, marami pa naman ibang trabaho kung di ako matatanggap doon,"

"Tama ka anak,"

"Alus na po ako,"

"Kasabay mo ba si Brendan?" Pahabol ba sabi ni Ester.

"Nauna na sya pumasok kanina, doon na kami sa hotel magkikita,"

"Ok, mag iingat ka!"

........

Nananghalian si Myrtle sa kanyang silid at gusto nyang makita si Brendan, pinapunta nya ito.

Pumasok si Brendan.

"Room service?" Sabi ni Brendan.

"Halika pumasok ka,"

Nilalapitan ni Myrtle si Brendan at iniwasan nya ito, natatakot syang mahaplos ang mga balat ni Myrtle.

"Bakit mo ako nilalayuan, hindi ka ba naaakit sa kagandahan ko?"

"Kilala kita ikaw si Myrtle, at alam ko ang iyong lihim!"

"Well, alam mo na pala, siguradong sinabi sayo ng pangit na Nostalgia na yon!"

Hindi umiimik si Brendan.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon