Chapter 19

2.1K 65 1
                                    

Kinagabihan.....

Nagbihis ng maayos na damit si Nostalgia, sinuot nya ang bestida na kulay black na may halong pula na printed na flower and green leaves, regalo pa noon ng nanay nya nung mga nakaraang kaarawan nya. Matapos magbihis, hinintay nya si Brendan sa tapat ng tindahan, ngunit lumipas na ang 30 minutes ay wala pa din ito.

"Hindi na ata sya darating?" Naiinip na sabi ni Nostalgia sa loob nya, makalipas pa ang ilang mga minuto ay dumating si Brendan na may lungkot sa kanyang  mukha.

"Brendan?!" Nakangiting sabi ni Nostalgia nang nakita nyang lumalapit si Brendan sa kanya.

"Nostalgia magandang gabi!" Bati niya.

"Ang tagal mo naman akala ko di ka na dadating eh."

"Pasensya na kasi nakausap ko ang manager namin na si Maxine."

"Talaga, ano napag-usapan nyo?"

"Mayroon na syang nakuha na ibang waitress kanina, sabi ko ikaw na lang ang tanggapin nya kaso iba ang kinuha nya kaya nag resign na din ako."

"Ano, bakit mo naman nagawa yan?"

"Ok lang yon, nagsasawa na akong sumayaw ng hubad, at nahihirapan na rin ako mag turn down sa mga taong gusto akong ilabas eh, di ko kaya ang kanilang hinihingi sa akin kaya naisip ko na tigilan ko na ang ganitong trabaho."

"Hmm ganon ba?"

"Pero huwag ka mag alala, sabay tayong maghahanap ng trabaho, sa iba na lang tayo mag apply, sa mall o kahit saan kesa naman sa pag babasura."

"Eh wala pa kasi akong requirements tsaka experience."

"Papano ka mag kakaroon ng experince kung di ka mag uumpisa, makakahanap ka rin tutulungan kita mag ayos ng mga requiremets mo, ako bahala sa mga magagastos."

"Salamat pero bakit mo ako tinutulungan?"

"Basta gusto kita maging kaibigan, mabait ka eh."

Napangiti si Nostalgia sa sinasabi ni Brendan, para sa kanya kahit kaibigan lang ay masaya na sya makita lamang si Brendan.

"Ok lang ba kung lumabas tayo ngayon?" sabi ni Brendan.

"Nasa labas na tayo diba?"

"Ah oo nga, ibig kong sabihin mamasyal tayo, doon sa peryahan, bilang pasasalamat na din sa pagtulong mo sa akin, may bagong peryahan doon."

"Talaga! sige para malibang na din tayo." masayang sabi ni Nostalgia at masaya silang naglakad.

..........

Nung gabi na iyon ay nagpunta si Myrtle at Caster sa Makati, napapatingala sila sa nag tataasang mga gusali.

"Ano ba gagawin natin dito? Gabi na, sarado na mga opisina at sa tingin mo ba matatanggap tayo di naman tayo naka pagtapos, at wala tayong alam, wala tayong experi...." Di pa tapos magsalita si Caster ay sumabad agad si Myrtle.

"Ang dami mo naman tanong, sa taglay nating kagandahan na to marami ang mabibighani sa atin, walang katulad ang ganda natin, kaya di nila tayo basta-basta pakakawalan."

"Pero papano?saan tayo mag aaply?"

Nilibot ni Myrtle ang kanyang mga mata at natanawan nya ang malaking high-end na Five Star Hotel, ito ang 'Saphire View Hotel'.

"Ayun!" Sabi ni Myrtle kay Caster habang tinituro nya ang dambuhalang magandang building ng Saphire View Hotel.

"Ano? Naku hindi tayo matatanggap dyan Myrtle kalimutan mo na yan, sa mga bar na lang tayo, mag mamacho dancer na lang ako gaya ni Brendan!" Sabi ni Caster.

"Ano ka ba? ang baba talaga ng pangarap mo, dyan tayo sa hotel na yan nababagay."

"Ano magiging trabaho natin dyan?"

"Ang bobo mo talaga, stepping stone natin to, kahit katulong lang tayo sa hotel na yan ay ok na."

"Mas mababa pala ang pangarap mo eh, maging alila hahaha?" Napatawa na sambit ni Caster. Napairap si Myrtle.

"Mahina talaga ang isip mo, hindi mo ba naiisip na dyan tayo makakakilala ng mga mayayaman, maghahanap ako ng mayaman at aakitin ko tapos papahaplos ko sa balat ko, e di magkakagusto na sa akin yung mayaman, magpapakasal kami e di mayaman na rin ako, di mo ba naiintidihan yun?"

"Ikaw yun ang gusto mo pero ako magkatrabaho lang ng marangal ay masaya na ako,"

"Marangal ba ang maging macho dancer ilalantad mo katawan mo sa mga di mo kilalang tao ha?"

At hindi nakaimik si Caster.

"Hay wala na akong magagawa, mahina talaga utak mo." Iritang sabi ni Myrtle.

"Iba ang utak at puso oi! Basta ako ayoko kung hindi ko rin lang mahal, mahirap yun, marami ka ngang pera, pero hindi mo naman mahal, parang niloloko mo lang sarili mo non." Sabi naman ni Caster.

"Hay naku basta ako yun ang gagawin ko at walang makakapigil sa akin."

"Huwag ka mag-alala hindi naman kita pipigilan sa pangarap mo, basta mag iingat ka lang, ano na gagawin natin?" Sabi ni Caster.

"Basta sumunod ka lang sa akin." Nakangiting sabi ni Myrtle.

At sila ay naglakad papunta sa Saphire View Hotel, isa sa pinakakilalang hotel sa buong mundo at may branches din ito sa America at Europa.

Habang sila ay naglalakad sa kalye ay narinig ni Myrtle ang himig ng piano, habang kanya itong naririnig ay tinakpan nya ang kanyang mga tenga, kinikilabutan sya sa tunog na yon.

"Ok ka lang ba, ano nangyayari sayo?" Sabi ni Caster kay Myrtle.

Hindi nagsasalita si Myrtle, at nang sila ay naglalakad ay biglang nakita nya ang estatwa ni Kasandra, laking takot ang naramdaman ni nito at napahawak sya kay Caster.

"Ano ang nakikita mo Myrtle?"


"Yung Estatwa nakikita ko sya!" Takot na takot na sabi ni Myrtle.

Ginala ni Caster ang kanyang mga mata sa paligid ng kalye ngunit wala naman syang nakikita.

"Wala naman ah!" Sabi ni Caster.

At maya maya ay nawala na ang Estatwa.

"Bakit nya ako sinusundan?" Sabi ni Myrtle.

"Pero bakit ako hindi ko sya nakikita?" Sabi ni Caster.

"Bakit sa akin lang sya nagpapakita, bakit sayo ay hindi?" Nagtatajang sabi ni Myrtle
"Hindi ko alam kung bakit?"

Niligid muli ni Myrtle ang kanyang mga mata at nakita nyang wala na si Kasandra.

Naupo na muna sila sa isang maliit na bakod na may mga nakatanim na halaman malapit sa poste ng ilaw.

"Okay ka lang ba?" Nag aalalang sabi ni Caster.

Di pa rin mapalagay si Myrtle sa kanyang nakita, pangalawang gabi na nagpakita si Kasandra sa kanya.

"Hindi kaya naiinggit sayong kagandahan ang estatwa na yun kaya nagpakita sayo haha!"

Nagbibirong sabi ni Caster.

"Huwag ka nga magbiro ng ganyan, nakita mo na ngang natatakot na ako eh!"

"O sorry na, huwag ka ng matakot nandito lang ako."

At biglang tumayo si Myrtle.

"Saan ka pupunta?"

"Saan pa edi si hotel na yon, tara na!" Sabi nya kay Caster at sila ay nagtungo sa Saphire View hotel.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon