Napaatras sa takot si Nostalgia at napaakyat ito ng kama. At kanyang binabato ang unan kay Myrtle, hinahawi lamang ni Myrtle ang mga unan na binabato sa kanya.
"Layuan mo ako!" Sigaw ni Nostalgia ngunit patuloy pa din ang paglapit ni Myrtle.
Bumaba ng kama si Nostalgia at balak tumakbo ng bathroom, ngunit nakaharang sa harapan nya si Myrtle. Napatakbo ito sa isang sulok at don sya na korner ni Myrtle. Hinablot nito ang kanyang mahabang buhok, mahigpit ang pagkakahawak ni Myrtle sa buhok ni Nostalgia. Pilit na lumalaban ni Nostalgia ngunit mas malakas si Myrtle.
At nang naka buwelo si Myrtle ay malakas na pwersa na ini untog nya ang ulunan ni Nostalgia sa pader. At doon ay biglang nanlabo ang paningin ni Nostalgia, di na nya maaninag ang mukha ni Myrtle.
Binitawan sya ni Myrtle at binuksan nito ang botelya na may laman na enigma.
Bahagyang naaninag ni Nostalgia ang ginagawa ni Myrtle, at pilit nyang inaabot si Myrtle para labanan ito ngunit umiikot ang kanyang paningin.
"Sige lumapit ka pa sa akin Nostalgia lumapit ka hahaha!" Humahalakhak na sabi ni Myrtle.Hindi masyadong makita ni Nostalgia si Myrtle at habang nangangapa ito ay inamba na ni Myrtle ang botelya upang isaboy ito sa kanya. At nang kanya itong isasaboy ay tamang nakapasok si Brendan. Nakita nito ang gagawin ni Myrtle. "Myrtle!" Hiyaw ni Brendan, napalingon sa kanya si Myrtle. "Huwag ka makielam!" Sigaw ni Myrtle at susugurin nya si Brendan ngunit naunahan sya nito. Tinulak sya ni Brendan at napasubsob si Myrtle sa sahig. At agad na nilapitan ni Brendan si Nostalgia na nahihilo pa. "Nostalgia, ok ka lang ba?" Nag aalalang sabi ni Brendan. At biglang bumangon si Myrtle sa pagkasubsob at nakita nyang inaakay ni Brendan si Nostalgia,
"Brendan umalis ka dyan!" Hiyaw ni Myrtle at agad nitong isinaboy ang enigma kay Nostalgia ngunit biglang naiharang ni Brendan ang kanyang sarili sa harapan ni Nostalgia kung kaya't sa halip na nasaboy ito sa mukha ni Nostalgia ay napunta ito sa mukha nya. Pumasok ang tubig na may enigma sa mga mata ni Brendan at napahiyaw ito sa sakit.
"Ahhhh!" Hiyaw ni Brendan habang hawak hawak nya ang kanyang mga mata at napaluhod sya sa sobrang hapdi nito.
"Brendan?" Nag aalalang sabi ni Nostalgia at niyakap nya si Brendan habang nakatalikod ito.
Napaatras si Myrtle nang nakita nyang si Brendan ang nasabuyan nya ng enigma.
"Hindi! Huling enigma na ito!" Nanghihinayang na sabi ni Myrtle.
"Hindi pa tayo tapos! Hindi pa tayo tapos Nostalgia! Tandaan mo yan!" Sabi ni Myrtle at nagmadali na itong lumabas ng silid.
"Brendan!" Nag aalalang sabi ni Nostalgia.
"Sinabuyan nya ako ng enigma!" Natatakot na sambit ni Brendan.
"Ako ang dapat hindi ikaw!" Umiiyak na sabi ni Nostalgia.
At nang bahagyang napawi ang hapdi sa kanyang mga mata ay tumayo ito.
"Patawarin mo ako Brendan!"
"Wala kang kasalanan Nostalgia, mas mabuti na sa akin nya naisaboy ang huling enigma, mas hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung sayo ito napunta."
At tumalikod si Brendan.
"Brendan sandali, bakit mo ginagawa ang lahat ng ito para sa akin?"
At napahinto si Brendan.
"Dahil...........mahal kita Nostalgia mahal kita!" At pagkasabi nito ay nagmadali na itong lumabas ng silid at nagpasya na itong umuwi.
Naiwan na lumuluha si Nostalgia sa sinabi ni Brendan at nagmukmok ito sa isang tabi.
"Bakit ngayon mo lang sinabi na mahal mo ako Brendan! Bakit?" Naiiyak na sabi ni Nostalgia.
Makalipas ang ilang sandali ay dumating si Raven kasama ang mga security.
"Nostalgia?" Sabi ni Raven na nag aalala nang nakita nyang lumuluha ito at kanya itong niyakap.
"Is there something wrong?"
Hindi makakibo si Nostalgia, kahit sabihin nya ang nangyari ay wala syang ebidensya at hawak ni Myrtle si Don Luiz sa leeg kaya wala syang kalaban laban dito.
"Wala ok lang ako,"
"I'm so worried," sabi ni Raven at pinaalis na nito ang mga security."So bakit ka umiiyak?"
"Naalala ko lang ang aking mga magulang." Nagdahilang sabi ni Nostalgia at niyakap sya ni Raven.
"Well speaking of your parents, they'll be here tomorrow with your long lost brother."
"Talaga?" Bahagyang ngiti na sabi nya kay Raven at nagyakapan sila, ngunit naaalala ni Nostalgia si Brendan at labis syang nag aalala para dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/118044652-288-k897531.jpg)
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)
TerrorApat na magkakaibigan ang bagong nakatuklas ng libro. Please follow me before you read this para di po kayo mabitin :) Only followers can read this story...Thank you and enjoy reading :) This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Hor...