Pagsapit ng umaga ay pinagtanong nila kung saan ang gubat hanggang kanilang natunton ito. Nakita nila ang makapal na puting hamog at doon ay kanilang kinain ang bunga ng Hermosa.Hanggang nakita nila ang halamanan ng kambal na bulaklak.
"Ito na ang halamanan ng kambal na bulaklak!"
Wika ni Nostalgia."Nag iisa lamang ang bulaklak na yan, at para sayo lamang yan Nostalgia," sabi naman ni Brendan.
"Hindi ko dapat makuha ang enigma, yung may tinik!"
Maya maya ay nagpakita sa kanila ang estatwa ni Kasandra.
"Y-yung statwa!" Bulalas ni Brendan. At lumalapit ito sa kanila mula sa kalayuan. "Anong gagawin natin?"
"Kunin mo na agad, mag ingat ka lang na di makuha yung may tinik!" Nagmamadaling sabi ni Brendan, ngunit di agad makakilos si Nostalgia dahil nakikita nyang papalapit ang statwa sa kanila. At nang nakita ni Brendan na malapit na ang statwa, ito na ang kumuha nito para kay Nostalgia. Dahan dahan nyang pinipitas ang benditas.
"Bilisan mo Brendan, ayan na yung statwa, ingatan mo na wag matinik!" Bulalas ni Nostalgia.At nakuha ni Brendan ang walang mga tinik.
"Nakuha ko na ang Benditas!" Masayang sabi ni Brendan. "Umalis na tayo dito!" At tumakbo sila palabas ng hamog na gubat na yon.
.....
At nung gabi na iyon ay bumalik na sila ng Maynila.
.............
Sa mansion.
Malungkot si Don Luiz sa nangyari kay Empress. Balita sa lahat ng news ang tungkol sa mga nabibiktima ng halimaw, ngunit walang nakaka alam na ito ay si Empress, inilihim ito ng kampo ni Don Luiz. Hinahagod ni Myrtle ang likuran ni Don Luiz."Huwag ka ng malungkot, wala na tayong magagawa sa mga nangyari."
"Pero kaisa isa ko syang anak na babae, masakit sa akin to."
"Alam ko Luiz pero nandito naman ako sa piling mo."
At humarap sa kanya si Luiz.
"Nagpapasalamat ako at nandito ka, dahil kung mawala ka pa ay di ko na alam ang aking gagawin."
Maya maya ay nag ring ang cellphone ni Don Luiz, overseas call ito.
Nagpunta ng terrace si Don Luiz at doon nakipag usap.
Mahaba haba din sya nakipag usap at matapos ay kinausap nya si Myrtle.
"Myrtle, kailangan kong pumunta ng America sa lalong madaling panahon."
"Iiwan mo ako?"
"Gusto kitang isama pero wala ka pang visa at kailangan kong makapunta agad doon."
"Bakit?"
"May sakit ang aking kapatid at hinahanap nya ako, wala akong magagawa kundi puntahan sya, at huwag kang mag alala babalik ako kaagad."
"Basta babalik ka kaagad ha, sana makarating din ako ng America."
"Dadalhin kita doon, kapag naikasal na tayo."
"Talaga?"
"Oo naman, syanga pala habang wala ako ay darating ang aking anak na lalaki, sya ang namamahala ng aking mga negosyo. Sa Saphire View Hotel muna sya mamamalagi dahil marami syang I mi meet na mga tao doon."
"Anak na lalaki, may anak ka pa na lalaki?" Nasurpresang tanong ni Myrtle.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)
TerrorApat na magkakaibigan ang bagong nakatuklas ng libro. Please follow me before you read this para di po kayo mabitin :) Only followers can read this story...Thank you and enjoy reading :) This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Hor...