Chapter 8

2K 76 0
                                    

At sa kanyang pagtulog ay naalala nya ang ginawa ni Myrtle sa kanya.   

"Bakit nagbago na sya sa akin? At bakit naging sila na ni Brendan?" Sabi ni Nostalgia sa kanyang loob, at inalala nya si Brendan, naalalala nya ang mukha nito nung nakita nya ito nung hapon na iyon.

At nung gabi na iyon ay nagbasa muli si Nostalgia ng libro, at dito nya nabasa na may masamang kapalit ang benditas kapag kukunin ang enigma.

............

Isang gabi...

Ginabi sa pag lalakad si Nostalgia, nakasalubong nya si Caster, nagtatarabaho na si Caster sa isang burger shop kaya naging malinis na ang itsura nito.

"Nostalgia!"

Napalingon si Nostalgia at tiningnan nya kung sino ang tumawag sa kanya, una ay di niya agad namukaan si Caster.

"Oi Caster ikaw pala?"

"Kamusta ka na?"

"Heto ganun pa din, di kita nakilala ah, malinis na itsura mo."

"Pinasok ako ng pinsan ko sa burger shop, nagkikita pa ba kayo ni Myrtle?" sabi ni Caster.

"Hindi eh, pero nung nakaraang araw nakita ko sya kasama nya si Brendan, nag aaral na pala siya ulit."

"Oo, natuloy sa Saudi yung tatay nya, ayun nagkapera lang yumabang na!"

"Ok lang yon, masaya ako para sa kanya,"

"Ang nakakabuwisit, pinagmamalaki nya sa akin ang Brendan na yon eh, yung macho dancer na 'yon."

"Macho dancer?"

"Oo , macho dancer sya sa gabi, alam na ni Myrtle 'yon."

"E diba sila ni Laila at Brendan papano napunta sya kay Myrtle?"

"Ang balita ko inakit daw ni Myrtle si Brendan eh, pinupuntahan nya sa bar, at ang lokong Brendan na yan nagustuhan naman nya si Myrtle."

"Ano? Totoo ba yang sinasabi mo?"

"Gusto mo sumama ka sa akin, puntahan natin yung bar na pinagsasayawan nya ng makita mo, alam ko kung saan yon!"

Naisip ni Nostlagia na gusto din nyang makita si Brendan, nasasabik syang makita ito.

"Eh teka, magbibihis lang ako, hintayin mo ako."

"Ok sige, alam ko naman matagal mo ng gusto si Brendan diba.?"

"Ah oo, hindi ko na ipagkakaila sayo yan, pero gusto ko lang sya makita, yun lang, pero wala sa akin kahit macho dancer sya, basta gusto ko sya makita."

Sinamahan ni Caster si Nostalgia umuwi sa kanilang dampa para magbihis.

Bumili muna ng lutong ulam si Nostalgia.

"Hintayin kita dito." Sabi ni Caster at naupo ito sa banko ng isang karinderia kung saan bumili ng ulam si Nostalgia.

"Kakain lang ako, mga 30 minutes ok lang ba?"

"Ok lang."

At nag madaling umuwi si Nostslgia at naghapunan kasama ng tanyang tatay at nanay,

"Eh tay , nay, lalabas lang po ako ngayong gabi."

"Ano gabi na lalabas ka pa at saan ka naman pupunta?"

"Eh sa kaibigan ko, sandali lang ako nay,"

"Hindi maaari, delikado."

"Dyan lang naman po eh,"

"Hayaan mo sya Ester, para naman malibang si Nostalgia, lagi nalang syang nahihirapan mangalakal , pagbigyan mo na sya,."

"O sya sige na nga pero huwag ka mag papaka gabi ha?"

"Opo nay." Masayang sabi ni Nostalgia at nagpunta ng banyo at sya ay naligo, sinuot nya ang kanyang matagal ng damit na minsan lang nyang naisuot dahil di naman sya umaattend ng party.

Humarap sya sa salamin , nakita nyang maganda ang kanyang mukha ngunit magaspang ito.

At di rin kagandahan ang kanyang katawan, dahil payat sya.

"Hay buti pa si Myrtle kahit papano maganda ang katawan kesa sa akin." sabi nya sa kanyang sarili.

At lumabas na sya ng kanilang dampa. At pinuntahan nya si Caster na naghihintay sa karinderia.

"Ok na ba ang suot ko.?"

"Oo naman, bagay sayo, maganda ka naman eh."

"Salamat first time ko lang narinig yan."

"Welcome hehe! sa J's Bar na nagtatrabaho si Eric kaya ko nalaman na nandon si Brendan."

"Ah ganon ba, basta libre mo ako ha?"

"Aba oo naman."

At sila ay nagpunta sa bar.

Pagdating nila ng bar ay naghintay sila sa labas nito at tinawagan nya ang kaibigan na si Eric.Maya maya pa ay lumabas ng bar si Eric at nilapitan nya si Caster at Nostalgia.

"Pare bawal dito ang walang pera, kaya lang may gusto naman sa akin ang manager na bading dito kaya makakapasok kayo, sumunod kayo sa akin." Sabi ni Eric.

"Ayos!" Sabi ni Caster at sumunod sila kay Eric papasok ng bar.

Ngunit hinarang sila ng guard.

"Bawal mga bata dito!"

"Sir, mag aaply sila dito, sya macho dancer, sya naman waitress!" Nagsinungaling na sabi ni Eric.

"Ah ganon ba, o sige pasok na kayo."

At ng sila ay nakapasok.

"Ayos yung dahilan mo ah!" Masayang sabi ni Caster kay Eric at kininditan sya nito.

Naupo sila sa isang sulok ng bar, patay sindi ang mga ilaw at may nagsasayaw na lalaking naka trunks , nag sasayaw ito ng exotic dance, kinakabahan si Nostalgia dahil ngayon lang sya nakapasok sa isang club at ganoong klaseng club, marami ng mga tao, karamihan ay mga mayayamang matrona at mga bading ang mga customer.

At nang naupo sila ay lumapit ang manager na bading na kasama si Eric.

"Si Caster po bestfriend ko, at sya naman ang girlfriend niya."sabi ni Eric sa bading na si Maxine.

"Girlfriend?" Nagtatakang sabi ni Nostalgia, kinindatan siya ni Eric na makisakay na lang para walang problema.Nginitian nila ang bading na manager.

"Well, okay, kaibigan mo naman pala sila, sige libre na ang drinks at entrance nila "

Sabi ng manager.

"Salamat po," sabay na sabi ng dalawa.

Makalipas ang isang oras ay naiinip na si Nostalgia.

"Ang tagal naman lumabas ni Brendan?"

"Lalabas na yon, maghintay tayo." ani Caster.

Makalipas ang ilang minuto ay nagdilim ang paligid at may pinatugtog ng isang kanta na pang sexy, at nabanaag ni Nostalgia ang anino ni Brendan sa stage, at maya maya ay may umilaw na spot light at tumapat kay Brendan, nakatalikod ito at hubad ang kanyang pang itaas, at naka skimpy trunk sa ibaba, at nag umpisa na itong gumiling na gaya ng mga macho dancer, nag titiliian ang mga customer sa pagsasayaw ni Brendan sa sobrang kaguwapuhan nito, at si Nostalgia ay isa sa naakit kay Brendan, ngunit hanggang tingin lamang sya dito.

Napapatulala si Nostalgia sa pagtingin kay Brendan, nangangarap na mayakap sya ng matitipunong bisig nito.

Nakapangalumbaba si Nostalgia habang pinapanood nya si Brendan at napapakagat sya ng labi.

At maya maya ay tinanggal na ni Brendan ang huling saplot at lumitaw ang kanyang pagkalalaki, nagtiliian ang lahat ng mga customers at may mga bading na nagtatangkang lapitan si Brendan para hawakan ito ngunit hinarangan sila ng mga guard.

Napapikit si Nostalgia ng nakita nyang nakahubad si Brendan samantalang ang mga nanonood ay halos tumulo ang laway sa alindog ni Brendan.

Matapos magsayaw ni Brendan ay pumasok na ito ng dressing room.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon