Naka alis na si Don Luiz nung umaga na iyon at nagpasya si Myrtle na mag stay sa hotel dahil gusto nyang makita kung ano ang itsura ni Raven."Ano kaya ang itsura ng anak ni Don Luiz? Kung bakit naman kasi nagmadali agad ako hmp!" Sambit ni Myrtle sa kanyang sarili, nanghihinayang ito kung bakit nagmadali na hawakan agad si Don Luiz. "Pwede naman dalawa sila! Doon na muna ako titira sa hotel para mapalapit sa anak nya," Napangising wika nya.
Nung mga oras na iyon ay gumayak ito at nagpahatid sa driver papuntang Saphire View Hotel.
.....
At nung araw na iyon.
Habang nasa Penthouse si Myrtle ay may mga room service na pumasok para maglinis at napansin niyang wala sina Nostalgia at Brendan. "Bakit wala sila?" Nagtatakang sambit sa loob nya. Tinanong nya ang mga ito.
"Nasaan na yung lalaking roomboy na laging nandito, si Brendan?"
"Eh ma'am bukas daw po papasok." Sabi ng isang roomlady,
"Yung babaeng lagi nyang kasama, si Nostalgia?"
"Bukas din po ma'am." sabi nito habang naglilinis.
Nakaramdam na naman ng selos si Myrtle. Nagpunta ito sa terrace.
"Bakit lagi silang magkasama, imposible namang magustuhan ni Brendan si Nostalgia, napakapangit nya!" Sabi ni Myrtle sa kanyang loob habang nakadungaw sa terrace.
At maya-maya pa'y biglang nag ring ang telepono, si Elizar ang tumatawag at kanya itong sinagot.
"Hello?"
"Myrtle, dumating na si Raven, nasa airport na sya, at dito sya mamamalagi, iniimbitahan kita mag dinner mamayang gabi sa dining lounge upang makilala mo sya." Sabi ni Elizar sa kabilang linya. Napangisi si Myrtle.
"Interesado akong makilala si Raven, see you tonight," masayabg sagot nito at binaba ang telepono.
At nang ibinaba ni Myrtle ang telepono ay humarap siya ng salamin. At nakaramdam ng kakaibang saya.
"Unti-unti ng natutupad ang mga pangarap ko, nakakasalamuha ko na ang mga mayayaman, at pati ang anak ni Don Luiz ay makikilala ko! Sa taglay mong kagandahang yan Myrtle ay marami kang paluluhurin na lalaki! HAHAHA!" Sabi niya sa kanyang sarili habang nakaharap sa salamin.
........
Ang pagdating ni Raven.
Isang magarang sasakyan ang huminto sa tapat ng grand entrance ng Saphire View Hotel. Pinagbuksan ito ng mga bodyguard at pagkabukas ay bumaba ang isang lalaking makisig at kagalang galang. Tall, dark and handsome, matipuno ang pangangatawan, maporma at tipong kahit sinong babae ay mapapaibig nito sa taglay nitong kaguwapuhan at kayamanan. Sinalubong ito ng mga executives ng hotel na iyon.
"Welcome Sir Raven!" Bati ng mga executives habang nagbigay galang ang mga ito sa kanya. At binitbit ng mga bellboy ang kanyang mga branded na suitcase.
Nginitian sila ni Raven at si Elizar lamang ang kanyang kinausap.
"What is going on here? What happened to my sister?" Nag-aalalang sabi ni Raven kay Elizar.
Nag-usap sila habang naglalakad papunta sa executive suite ni Raven.
.....
Kinagabihan ay naghanda na si Myrtle na makita si Raven, nagsuot ito ng black na cocktail dress na binili ni Don Luiz sa isang high end na boutique, at tinernohan ng mamahaling mga alahas.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)
TerrorApat na magkakaibigan ang bagong nakatuklas ng libro. Please follow me before you read this para di po kayo mabitin :) Only followers can read this story...Thank you and enjoy reading :) This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Hor...