Sinamahan sya ni Nostalgia maglakad hanggang sa may kanto.At dumating si Brendan para sunduin si Myrtle.
Nang nakita ni Nostalgia na papalapit ang napakaguwapong si Brendan ay kumabog ang kanyang dibdib.
"Brendan, mabuti at nandito ka na." Malambing na sabi ni Myrtle.
"Manood tayo ng sine gaya ng pangako ko sayo."
Nakikita ni Nostalgia nag titinginan sila ng matatamis na mga ngiti, binabaling na lamang ni Nostalgia ang kanyang tingin sa iba.
"O pano, mauna na kami, thank you sa libro ha!" Sabi ni Myrtle.
Tinanguan na lamang sya ni Nostalgia.
At napapatingin si Brendan sa kanya ngunit hinihila ni Myrtle si Brendan paalis.
At magka akbay na umalis sila ni Myrtle.
Napabugtong hininga na lamang si Nostalgia at bumalik sa kanilang dampa.
..........
Isang gabi naglalakad ang mag kaibigan na si Eric at Caster, natanggal sa trabaho si Caster.
"Ok lang yan makakahanap ka rin ng ibang trabaho." Ani Eric.
"Nakakalungkot lang kasi napagbintangan akong nagnakaw hindi ko naman ginawa yun eh,"
"Malalaman din nila ang totoo."sabi ni Eric.
Nang nakauwi si Caster sa kanilang dampa ay nakita nyang natutulog ang malaki nyang pamilya, sampu silang mag kakapatid at tabi tabi silang natutulog sa sahig.
Nag dahan dahan si Caster para di nya matapakan ang mga ito na natutulog, pumasok sya sa maliit na silid ng kanyang nanay at tatay na natutulog sa papag, binuksan nya ang maliit na ilaw,. Nagpalit sya ng damit at napatingin sya sa salamin na nakadikit sa aparador, hinubad nya ang kanyang damit at nangangarap na lumaki ang kanyang katawan para makapag apply sya maging macho dancer gaya ni Brendan, gusto nyang magkapera para makapagpatuloy din sya ng pag-aaral, ngunit napakapayat nya, at nararamdaman nya wala na syang pag asa na magkaroon ng magandang katawan na gaya kay Brendan, wala syang perang pang gym,hindi rin sya makakain ng masustansyang pagkain, dahil ang kinikita nya ay kulang pa pambili ng pagkain para sa kanyang mga kapatid.
Naalimpungatan ang kanyang ina.
"Anak ginabi ka na naman." Sabi ng nanay nyang si Lilia.
Pinatay agad ni Caster ang ilaw at nahiga sa tabi ng mga kapatid sa sahig.
..........
Sumunod na mga araw.
Sa eskwelahan ni Myrtle ay kasali sya sa patimpalak kagandahan..
Isa isang tinatawag sa stage ang mga kandidata at isa si Myrtle na rumarampa sa stage.
Maraming nanonood sa loob ng hall ng kanilang school, isa si Brendan sa nanonood.
At ng tatanghalin na ang top 10 ay hindi nakapasok si Myrtle.Masamang masama ang loob ni Myrtle ng di man lang sya nakapasok.Nakikita nya ang mga nag gagandahang mga kandidata na patuloy rumarampa sa stage, samantalang sya ay natapos na ang kanyang pag rampa dahil talo na sya.Napilitan na tapusin ni Myrtle ang patimpalak at pinaupo sya sa harap ng stage kung saan nakaupo ang mga talunan na mga kandidata.
At makalipas ang ilang sandali ay tinanghal na ang Miss MAT University.
Maganda ang nanalo at naiingit sya dito, nakita nyang nakatingin si Brendan sa babaeng nanalo, at nakaramdam sya ng selos sa mga tingin ni Brendan sa babae.
Dismayado si Myrtle ng nagbalik sa back stage.
"Okay lang yan, sumali ka na lang ulit." Sabi ng kaklase nya.
Hindi sila inimik ni Myrtle at kinuha nito ang kanyang mga gamit at lumabas na sa back stage.
At ng nakalabas sya ay pinag usapan sya ng mga ka eskweka na talunan din."Di naman mananalo yan di naman sya kagandahan di gaya ng nga nasa top ten." sabi ng isang babae.
"Sinabi mo pa, ano kaya nagustuhan sa kanya nung guwapo nyang boyfriend?"
"Karinyosa kasi yang babae na yan at pabait, kaya siguro nagustuhan." sabi naman ng isa.
"Sinabi mo pa! Di talaga sya maganda."
.....
Umuwi na sya kasama ni Brendan.Nakasalubong ni Myrtle ang nanalong babae.
Napatingin ito kay Brendan at nagpapahiwatig ito sa pamamagitan ng kanyang mata na gusto nya si Brendan.
Napatingin din si Brendan sa babaeng nanalo at nginitian nya ito ng malalagkit na tingin.
At kinikilig na umalis na ang babae kasama ng mga kaibigan.
Nakasimangot si Myrte dahil nag selos sya sa tinginan ni Brendan at nung babae.
"Okay lang yan, basta sa akin ikaw pa din ang pinaka maganda,"
"Hmn totoo ba?"
"Oo naman." Nakangiting sabi sa kanya ni Brendan.
"Bakit tinitingnan mo yung nanalo na yon?"
"Napatingin lang naman, ikaw naman nag selos ka kaagad."
"Hindi naman maganda yun eh, sobrang kapal lang ng make up nun, mamahaling make up ang ginamit sa kanya nung bading, samantalang ako mumurahin ang ginamit sa akin."
"Ok lang yan Myrtle, ang importante nakasali ka, malay mo sa susunod ikaw naman ang manalo."
"Ayoko ng sumali, basta huwag mo akong iiwan , lagi tayong magkasama ha,"
Hindi nakakibo si Brendan sa sinabi ni Myrtle,
.........
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)
HorrorApat na magkakaibigan ang bagong nakatuklas ng libro. Please follow me before you read this para di po kayo mabitin :) Only followers can read this story...Thank you and enjoy reading :) This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Hor...