Kinagabihan nasa bathroom si Myrtle at kinuha nya ang kanyang bag at kumuha sya ng isang talutot ng benditas, araw araw syang gumagamit ng isa kaya ilang piraso na lamang ang natitira."Malapit ko ng maubos ito, at kapag nagamit ko na ang pinakahuling talutot ay hindi na magbabalik ang dati kong anyo, wala pa akong napapaluhod na lalaki sa aking harapan maliban kay Don Luiz! At kapag nagamit na ang pinakahuli ay uumpisahan ko ng magpaluhod ng mga lalaki, uunahin ko si Raven, para di na matuloy ang kasal nila ni Nostalgia hahaha!" Humalakhak na sambit ni Myrtle sa sarili habang nakaharap sa salamin. Kinuha naman nya ang bulaklak ng enigma at kanyang pinagmasdan, marami pa ito.
"Hmm? Nakakailan pa lang ako nito, hindi ko kasi nagawa kaagad nung una pa lang, pero maari ko naman pagsabay sabayin ito sa isang gabi, tama! Yan ang gagawin ko ng tuluyan na din mawala sa buhay ko si Kasandra, at mag iiwan ako ng isang talutot para kay Nostalgia, para layuan sya ni Brendan at Caster! Alam kong may gusto sila kay Nostalgia, sa kabila ng kapangitan nya ay ginusto pa din sya ng mga ito, ewan ko na lamang kung magugustuhan pa nila si Nostalgia kung mukha na syang halimaw hahaha!".
.......
Sa silid ni Nostalgia ay nagkaroon ng pagkakataon na makapasok si Brendan.
Tumingin sa paligid si Brendan atsaka sya nag doorbell sa pinto.
"Room service!" Sambit ni Brendan, sumilip si Nostalgia sa may maliit na silipan sa butas ng pinto at nakita nyang ito ay si Brendan.
"Brendan?" Masayang sabi ni Nostalgia.
"Sa wakas nakalapit din ako sayo!"
"Oo pero di ka maaaring magtagal dahil darating na si Raven."
"Alam mo, masaya ako sa tinatamasa mo ngayon pero nagbago ka na Nostalgia."
"Hindi ako nagbago Brendan ikaw pa din ang aking kaibigan."
"Mahal mo ba ang lalaking yon?"
"Matututunan ko rin syang mahalin."
"Hindi natututunan yon Nostalgia, kung sino ang mahal mo dapat ipaglaban mo."
"Bakit kilala mo ba kung sino ang mahal ko?"
"Hindi ko alam pero alam ko na hindi si Raven ang mahal mo, oo nasa kanya na ang lahat, guwapo, mabait, mayaman, sikat, matalino ano pa nga naman ang hihilingin mo, samantalang ako ay isang mahirap lang."
"Bakit mo sinasabi yan? Diba ang sabi mo kaibigan lang ang tingin mo sa akin?"
"Oo pero..."
"Ano? Bakit di ka magsalita, sabihin mo sa akin?"
Hindi agad makakibo si Brendan, hindi nito masabing mahal nya si Nostalgia. Naisip nya rin na baka masaktan lamang sya dahil wala itong laban kay Raven.
"Hindi ko na kailangang sabihin dahil mag kaiba na tayo Nostalgia, masaya ka na kay Raven."
"Mahal mo ba ako?"
"Oo naman, pero bilang kaibigan lang,"
Nalungkot si Nostalgia sa sinabi ni Brendan.
At nagpasya ng lumabas ng silid si Brendan ngunit hinabol sya ni Nostalgia.
"Sandali lang! Ito na ang kwintas mo, alam kong mahalaga sayo ito." Sabi ni Nostalgia at hinubad nya ang suot nyang kuwintas at binalik nya kay Brendan.
Kinuha ni Brendan ang kanyang kuwintas at sya ay lumabas ng malungkot ng silid.
.....
Sumunod na araw.....
Nagpunta sila ni Raven sa dampa nila Nostalgia.
Nakasakay sila ng magarang sasakyan papunta sa may squaters area.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)
HorrorApat na magkakaibigan ang bagong nakatuklas ng libro. Please follow me before you read this para di po kayo mabitin :) Only followers can read this story...Thank you and enjoy reading :) This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Hor...