Araw ng kasal.
Abala ang wedding planner at mga assistant nito sa venue ng simbahan at ang iba naman ay abala sa reception sa isa pang branch ng Saphire View Hotel. Nandoon rin sa hotel na iyon naka check in sina Raven at Don Luiz kasama ni Myrtle.
Nasa main branch pa rin si Nostalgia at maraming mga stylist sa kanyang silid.
Masaya si Nostalgia dahil nandoon ang kanyang ama at ina at ang kanyang kuya na matagal na nyang hindi nakikita.
"Ang yaman pala ng mapapangasawa mo?" sabi ng kuya nyang si Froy.
Sinuklian lamang sya ni Nostalgia ng magandang ngiti.
Inaayusan ng stylist si Froy at ang kanyang amang si Renato, at nilalagyan naman ng rollers sa buhok ang kanyang ina.
Pumasok ng bathroom si Nostalgia para maligo.
Humarap ito sa salamin at pinagmamasdan ang kanyang mukha, at nilabas ang huling talutot ng benditas.
Naisip nya na iyon na ang huling talutot at kapag kanya itong ginamit ay magiging permanente na ang kanyang kaanyuan.
Ngunit naiisip nya si Brendan, mula ng nasabuyan ito ay hindi na pumapasok ng trabaho sa hotel, naalala ni Nostalgia ang nabasa nya sa diary na ang huling talutot ay makakapagligtas kung sinoman ang nagamitan ng enigma at magbabalik ito sa dating anyo, ngunit magbabalik naman sa dati ang kanyang kaanyuan.
"Kapag pinagamit ko ito kay Brendan ay magiging normal na ulit sya at ako naman ay magbabalik sa dati kong anyo?" Sabi nya sa kanyang loob.
"Ano ang aking gagawin?" Patuloy na sabi nya sa kanyang loob.
"Minahal ako ni Brendan maging sino man ako, samantalang si Raven ay minahal nya ako dahil nasisilaw lamang sya sa kagandahan ko."
Di mapalagay si Nostalgia sa mga sandaling iyon.
......
6:00 pm ......... 30 minutes before the wedding.
Suot ni Nostalgia ang napakagandang kulay puti na damit pangkasal na lalong bumagay sa kanyang kagandahan.
"Bakit gumanda si Nostalgia ng ganyan nay?" Tanong ni Froy sa kanyang ina.
"Maganda talaga sya noon pa lang, matagal na kasi kayong hindi nagkikita eh kaya di mo na matandaan." Sabi ni Esther.
"Ah oo nga pala, matagal na kasi kami di nagkikita, napakaganda nya." Sabi ni Froy.
Masaya ang pamilya ni Nostalgia ng sila ay nakasuot ng formal na damit, sa buong buhay nila ay ngayon lamang sila nakapag suot ng ganoong klase ng kasuotan.
Nagkita sila sa lobby.
Nag aabang ang magarang sasakyan sa labas ng hotel."Anak binabati kita, magkita na lamang tayo sa simbahan." Sabi ng kanyang ama na si Renato.
"Opo tay." Sagot ni Nostalgia. Napansin ng kanyang ina na tila di ito mapalagay. At hinalikan nila si Nostalgia sa kanyang noo at sumakay na sila ng magarang sasakyan.
Maya maya ay dumating na ang Rolls Royce na limousine na sasakyan ni Nostalgia, at sya ay sumakay sa loob nito, inaalalayan ng mga katiwala at hawak nila ang mahabang gown nito.
At mag isang naka sakay si Nostalgia sa limousine.
At umandar na ito papuntang simbahan.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)
TerrorApat na magkakaibigan ang bagong nakatuklas ng libro. Please follow me before you read this para di po kayo mabitin :) Only followers can read this story...Thank you and enjoy reading :) This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Hor...