Chapter 30

1.4K 55 3
                                    

Kinabukasan sa Saphire View hotel.

Naglilinis ng silid si Nostalgia, at matapos maglinis ay biglang pumasok si Caster.

Dala nya ang mga bagahe ng customer na mag I stay sa silid na iyon.

Nang nakita sya ni Nostalgia ay hindi sya nagpahalata na alam na nyang sya si Caster.

At nang lalabas na ng silid si Nostalgia, ay bigla syang tinawag ni Caster.

"Nostalgia?" Hindi nakatiis na sabi ni Caster.

Napalingon si Nostalgia at lalapitan sya ni Caster.

Kinabahan si Nostalgia, ayaw nyang madikit ang kanyang balat kay Caster dahil ang akala nya ay mapapaibig sya ito ng wagas kapag nahaplos nya ito, kaya nilalayuan nya si Caster ngunit habang lumalayo si Nostalgia ay sya naman amg lapit ni Caster.

"Huwag mo akong layuan hindi kita hahawakan!" Naramdaman ni Caster na alam na ni Nostalgia ang tungkol sa kanila ni Myrtle, dahil sinabi ni Myrtle na sya ang nakapulot ng libro at unang nakabasa nito.

"Caster, please lumayo ka sa akin!"

"Nostalgia, mahal kita ikaw ang mahal ko!" Biglang sabi nito sa kanya.

Ngunit natatakot si Nostalgia na dumampi ang kamay nito sa kanya.

Maya-maya ay biglang pumasok si Brendan at nakita nyang lumalapit si Caster kay Nostalgia at nakita nyang natatakot ito na mahawakan sya nito. Nang nakita ito ni Brendan ay naalaala nya agad ang sinabi ni Nostalgia na kapag nahaplos ang balat ng gumamit ng benditas ay mapapaibig ito ng wagas. At sa sobrang takot na mangyari iyon ay agad nitong sinunggaban si Caster.

"Layuan mo sya!" Sabi ni Brendan at sinuntok nya ito sa sikmura. Lumaban naman si Caster sa kanya at sila ay nagsuntukan. Mas malakas si Caster at mas matipuno ito kaya natalo si Brendan, bumagsak si Brendan sa sahig na carpeted, nilapitan agad ito ni Nostalgia.

"Brendan!" Sabi ni Nostalgia, nakita nyang may mga galos sa mukha ito at namimilipit ito sa sakit gawa ng mga suntok ni Caster.

Nakatingin lamang si Caster at nasasaktan sya nang nakikita nyang sobrang nag-aalala si Nostalgia kay Brendan. Alam nya na una pa lang ay mahal na nito si Brendan.  Napailing sa sama ng loob si Caster at lumabas na ito ng silid. At tamang pumasok naman ang customer at nalaman nito na may nag away sa loob ng silid. Ito ay nagalit at nagsumbong sa management. Pinatawag silang tatlo sa tanggapan ng admin. Napagalitan sila ng floor manager, ngunit binigyan sila ng isa pang pagkakataon.

Nakatayo sa isang tabi sina Brendan at nasa kabilang tabi naman si Caster. Tiningnan sya ng masama ni Brendan at matindi ang galit na nararamdaman nito kay Caster, ngunit walang magawa si Brendan kundi manahimik na lang.

Maagang pinauwi si Nostalgia at Brendan ng araw na iyon, at sa kanilang paglabas ay pumarada ang Rolls Royce at pinag buksan ito ng mga guard, bumaba si Myrtle na nakasuot ng napakagandang damit na branded at mamahaling mga alahas, bag at sapatos. Kinuha ng mga katiwala ang kanyang mga napamili at napakarami nito.

"Dalhin nyo ang mga yan sa Penthouse, dito kami mananatili ng ilang araw." Utos ni Don Luiz kay Elizar na isa sa mga sumalubong sa kanila, nag ring ang cellphone ni Don Luiz at pansamantalang bumalik ito ng kanyang kotse dahil may importanteng tao syang kausap na ayaw nyang marinig ni Myrtle.

Nakatingin lamang si Nostalgia sa malaking pagbabago ni Myrtle at nang sya ay nakita ay pinandilatan sya nito at kanyang sinabing.

"Inggit ka ano, hindi ka nababagay dito Nostalgia, kaya bumalik ka na lang ulit sa basura, yan ang bagay sayo!" Nakangising sabi ni Myrtle at tiningnan naman nya si Brendan. Hindi nakatinang sa kinatatayuan si Brendan dahil sobrang namangha ito sa ganda ni Myrtle nang malapitan.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon