Chapter 29

1.4K 51 1
                                    


"Ang Enigma naman ay pampapangit, unti-unting magkakabutlig ang balat ng taong gumamit nito. At pag nagtagal ay mangingitim at mangungulubot na kagaya ng balat ng puno na parang mukha ng isang halimaw."

"Nakakatakot naman yon!"

"Pero nakasulat sa libro na may akibat itong masamang mangyayari kapag ginamit ito sa kasamaan."

"Anong kasamaan?"

"Brendan alam mo naman siguro kung ano ang masama at mabuti hindi ba?"

"Ah tama ka, saan ba nakukuha yon?"

"Sa isang lugar na tinatawag na Santa Barbara, pero ayon sa diary ay walang nakakakuha non dahil mapanganib, walang nakakalabas ng buhay kapag ikay pumasok sa loob non."

"Kung mapanganib bakit nakalabas yung dalawa na yun?"

"Dahil may isang lihim para makapasok at makalabas ng ligtas at nalaman ito ni Myrtle."

"Hmm, kaya naman pala!"

"Ito ay matatagpuan sa dalampasigan ng Santa Barbara at mayroon doon na isang puno na tinatawag na puno ng Hermosa, at ang bunga nito ang makakatulong upang makaligtas sa loob ng hamog na gubat."

"Nakakamangha naman ang tungkol dyan, ginawa nga nila Myrtle yan, ibang klase!"

"Oo, sigurado ako na sila nga sina Myrtle at Caster,"

"Pero kahit ganon kaganda si Myrtle ay hindi ako nahuhumaling sa kanya."

"Pero imposible yan Brendan, walang lalaking di magkakagusto sa kanya kapag nakita sya lalo na kung mahahaplos mo ang balat nya."

"Oo, nagandahan ako sa kanya ng sobra pero wala akong naramdaman na akit."

"Totoo ba ang sinasabi mo?"

"Totoo yan,"

"Bakit kaya?"

"Marahil ay dahil naramdaman ko ring na sya si Myrtle?"

"Nahalata mo din?"

"Oo, yung mga tingin nya sa akin, walang pinagkaiba, at yung boses at kilos nya, kaya nagtataka talaga ako at naguguluhan, pero ngayon ay maliwanag na sa akin ang lahat at talagang wala akong pagmamahal sa kanya una pa lang, ewan ko ba kung bakit naging kami."

"Pero kapag nahaplos mo ang kanyang balat ay hindi ka makakawala, iibig ka sa kanya, ma o obsessed ka sa kanya, tiyak maaakit ka sa kanya, kaya mag ingat ka Brendan na hindi mo sya mahahawakan!"

"Kung gayon ay kailangan kong ingatan na makalapit sa kanya, delikado!"

"Oo, kailangan mong mag-ingat Brendan."

"Huwag kang mag-alala mag iingat ako sa babaeng yon, nakakatakot, at mag iingat ka din kay Caster baka mahawakan ka nya!"

"Ang nakakatakot ay baka nakuha nila ang enigma?"

"Papano? baka gamitin nila sa atin at maging halimaw ang ating kaanyuan?"

"Oo doon ako natatakot! Pero di naman siguro magagawa ito ni Caster at Myrtle sa atin dahil kaibigan natin sila?"

"Mabuti na rin ang nag iingat, huwag tayo magtitiwala sa kanila!"

Hindi mapalagay si Nostalgia, at biglang sinabi nito...

"Gusto ko rin makakuha ng benditas." Biglang sabi ni Nostalgia,

"Ano? Seryoso ka ba?"

"Para sa tatay at nanay ko gagawin ko, lalo na may sakit pa din ang tatay, gusto ko sila matulungan,"

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon