Masayang nagliliwaliw sa peryahan si Nostalgia at Brendan.
"Kain tayo doon!" Masayang sabi ni Brendan.
Nagpunta sila sa isang hotdog stand at bumili si Brendan at binigyan nya si Nostalgia.
"Hmm ang sarap naman nito, salamat!" Masayang sabi ni Nostalgia at kanyang kinagat ang hotdog sandwich.
"Bukas mag ayos ka na ng requirements sasamahan kita."
Nakaramdam ng kaligayahan si Nostalgia sa sinabing iyon ni Brendan.
"Salamat sayo."
"Wala yun, basta tayong dalawa ang magkaibigan mula ngayon."
Tumango ng nakangiti si Nostalgia, masaya na sya kahit magkaibigan lamang sila.
..........
Nang nakauwi na si Myrtle at Caster sa bahay ay nadatnan nilang natutulog na ang ina ni Myrtle na si Jonah sa sala.
"Bakit dito sa sala natutulog ang nanay?" Wika ni Myrtle.
"Saan kaya ako matutulog?"
"Doon ka na lang sa kuwarto ko, tumabi ka na lang sa akin."
"Baka makita tayo ng nanay mo?"
"Hmm, natutulog na sya." Nakangiting sabi ni Myrtle kay Caster at hinawakan nya ito sa kamay at hinatak papunta sa kanyang silid, at muli ay naganap ang kanilang pag iibigan.
..........
Habang natutulog si Caster ay kinuha ni Myrtle ang libro, at kanyang binasa.
"Ang sinoman ang kumuha ng enigma ay makakaranas ng sumpa, ito ay magdudulot ng lagim, sa pagsapit ng kabilugan ng buwan ay may lagim na magaganap."
"Kaya ba ako nasusundan ng estatwa ni Kasandra ay dahil kinuha ko ang enigma?" Kinikilabutan na sabi nya sa kanyang sarili.
"Kaya pala walang nakikita si Caster, dahil ako lang ang kumuha ng enigma, kung gayon kailangan ko magamit ang enigma sa ibang tao, pinaghirapan ko kunin yun at labis na takot ang nadarama ko sa tuwing nagpapakita yung statwa na yun," napapaisip na sabi ni Myrtle habang nakasandal ang likuran sa headboard ng kama.
"Pero, ano yung sinasabing kabilugan ng buwan, kailan yun magaganap?"
![](https://img.wattpad.com/cover/118044652-288-k897531.jpg)
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)
HorrorApat na magkakaibigan ang bagong nakatuklas ng libro. Please follow me before you read this para di po kayo mabitin :) Only followers can read this story...Thank you and enjoy reading :) This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Hor...