Diane
"Diane, sige na."
"Ayoko nga."
"Ito naman ang arte arte oh."
"Nadz, hindi nga ako kumakanta. Saka nakakahiya ang dami daming tao. Sa banyo lang ako kumakanta ano."
"Naku! Kuya oh, ikaw nga kumbinsi dito sa kaibigan ko. Dadami bibili sainyo kuya ng videoke at CDs pag sinampolan yan ni Diane."
"Talaga? Sige nga, tingnan natin."
Hinampas ni Diane si Nadia sa braso.
"Aray!"
"Ano ba kasi pinaggagawa mo? Ikaw na lang kaya kumanta dyan. Ako pa ibabala mo sa kanyon. Sama mo!"
"Ito naman..." Lambing nito bigla sa kaibigan. "Naglalambing lang eh. Sige na kasi. Alam mo naman na ako ang number 1 fan mo eh."
"Hmp. Sige na nga. Isa lang ha? Basta yung pangako mo ililibre mo ako dahil nakapasa ako sa board."
"Oo na. Oo na, to the new nurse! Kuya, isang 'Mahal Kita Kasi' nga diyan. Mga kababayan. Nandito na ang nag iisang Diane Luces. Representing the land of mandurugases, mahalenen ang gas - araaay!"
Hinampas ulit ito ni Diane.
"Isa pa Nadia! Ito talaga, o! Nakakahiya na. Ang daming tumitingin."
"Ano ka ba okay lang yan. O, sige. Ganito nalang: Diane Luces, 20, Philippines!"
At nagumpisa na ang tugtog.
♪♪"Bangin ka ba? Kasi. Nahuhulog na ako sa'yo naman kasi. Unggoy ka ba? Kasi. Sumasabit ka sa puso ko naman kasi. Pustiso ka ba? Kasi. You know I can't smile without you..."♪♪
"Whooo! Kaibigan ko yan!"
Halos bawat dumaan sa kanila ay chini-chika ni Nadia. "Galing galing, diba? Best friend ko yan!"
♪♪"Exam ka ba, kasi. Sasagutin kita agad-agad, naman kasi. Drugs ka ba? Kasi, kakaadik ka kasi kasi naman kasi. Kulangot ka ba? Kasi, you're really really hard to get. Posporo ka ba? Eh di posporo rin ako para match. Kasi naman kasi. Mahal kita. Bagay tayong dalawa. Papicture nga para mapadevelop kita. Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop. Bagay tayo, bagay talaga... Pustiso ka nga, kasi, I really really can't smile without you..."♪♪
"Yehey! Mabuhay ang bagong nurse ng Luces family!"
"O, okay na? Ano pang hinihintay mo? Halika na. Dali, bilisan mo." At pakantang dagdag ni Diane, "Ililibre ako ni Nadia. Ililibre ako ni Nadia."
Sa food court...
"Uy, alam mo Diane may nakita ako kanina."
"Ano?" Tanong nito sa kalagitnaan ng pagsubo ng takoyaki.
"Hindi ano, sino."
"O, sige. Sino?"
"Yun nga lang. Di ko alam kung sino siya." Tawa nito.
"Baliw."
"Hindi nga kasi. Kanina habang kumakanta ka, may nakita akong tisoy. Gwapo bes." Sabay tili nito.
"Ay? Ang landi? Ganern?"
"Hay, naku! Hindi mo naman kasi nakita eh. Basta ang gwapo talaga bes. Matangkad, maputi, at super gwapo!"
BINABASA MO ANG
Sightless Love
RomanceIsang easy-go-lucky, playboy at walang plano sa buhay na anak ng isang business tycoon sa Germany si Jake Smith. Isa lang naman ang pangarap niya - ang maging piloto. Ngunit hindi ito ang kinabukasang nakikita ng ama niya para sa kanya. Ang ama niya...