"Ano ba ito? Nakakaloka!"
Agad humarap si Diane sa salamin para tingnan ang sarili. At confirmed, namumula nga siya sa hiya.
"Ehmeghed! Ano ba ito? Teka, ano nga ba ng sabi ni sir? Naku! Naku! Ano ba ito?"
At sabay tapik nito sa noo.
"Aaahh! Juice colored! Ah! Juice yata sabi ni sir. Ay mali. Kape! Ay tubig lang pala. Ano ba yan!!"
Tarantang taranta na si Diane sa kusina nang naisip niya na lahat na lang ay ihanda para may mapagpilian ang magkapatid.
Maya maya ay nahalata niyang may nakatayo sa may pituan ng kusina.
"Ay! Bushak! Kanina pa po ba kayo diyan?"
"Nope. Just about a few minutes."
"Hala!"
"No. Nagbibiro lang ako. You need help?"
"Ay. Hindi na po. Kaya ko na po ito."
"Let me help you with the tray. And dami naman nito. Talagang nilahat mon a huh? Sabi ko naman sayo ikaw lang sapat na. Este, tubig." Biro nito.
"Kayo talaga po sir. Palabiro po pala kayo."
Nakarating na silang muli sa salas at inilapag ni Jimmy ang tray sa center table.
"What made you think na nagbibiro ako?"
Seryoso ba si sir Jimmy? Hala! Lagot! Paktay na!
Naiisip ni Diane na nakakahiya sa pareho sa magkapatid. Ayaw niya pa naman sa lahat na maturingan siyang flirt. Pero wala naman talagang mali sa ginagawa ni Jimmy, friendly lang talaga siya at palabiro, alangan namang tarayan niya ito. Lalo pa't kapatid ito ng amo niya. Which, in a way, is amo niya rin.
Samantala, si Jake naman ay nalilito sa nararamdaman niya.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Why do I feel this way? What is this?
Paulit ulit na tanong ni Jake sa sarili niya.
"Siya nga pala, I never asked yet. What's your name?"
"Diane!"
"Diane po sir."
Sabay na sagot nina Diane at Jake.
Napatingin lang pareho ang dalawa kay Jake dahil sa pagsagot nito kahit hindi naman siya ang tinatanong.
Worse, parang inis ang boses nito.
Galit ba si sir Jake? Baka iniisip niya talaga na nakikipaglandian ako sa kapatid niya! Hala! (Diane)
Argh! Why do I have to answer that question? First, I'm not the one being asked. Second, walang reason para mainis ako. Third, I'm not her boyfriend. Fourth... fifth... and so on, not that I need any of those anymore, basta mali! Why am I really feeling this way? (Jake)
"So..." basag ni Jimmy sa katahimikan at awkwardness.
"That's a pretty neat name, Diane. Simple yet pangalan pa lang alam mo nang maganda ang nagmamayari ng pangalan."
Wala namang maisip isagot si Diane kaya nasabi niya na lang ay, "thank you po."
Jake rolled his eyes. Magsasalita sana siya nang may kumatok sa pinto.
~~~~~
BINABASA MO ANG
Sightless Love
RomanceIsang easy-go-lucky, playboy at walang plano sa buhay na anak ng isang business tycoon sa Germany si Jake Smith. Isa lang naman ang pangarap niya - ang maging piloto. Ngunit hindi ito ang kinabukasang nakikita ng ama niya para sa kanya. Ang ama niya...