Diane
"Wow! Grabe talaga ang laki ng ospital na ito! Hindi ako makapaniwala na dito na talaga ako magtatrabaho!"
Papasok na si Diane sa Archangels Medical Center nang bigla itong tinawag ng sekyu.
"Miss, saan ka pupunta?"
Mestizong Koreano ito at sa tingin ni Diane ay over 6 feet sa height. Nabigla siya sa tawag nito at lumapit naman siya."
"Nasaan ang visitor'sh ID mo?"
"Ano kuya? 'Di kita maintindihan eh."
"Niloloko mo ba ako?"
"Joke lang kuya guard. Ito naman 'di mabiro." Ngiting sagot ni Diane.
"Kasi kuya hindi naman ako bisita. Wala naman akong dinadalaw."
"Kung ganon, ano ang ginagawa mo dito?"
"Wala! Dadaan lang kuya." Pilosopong sagot nito.
Ganoon talaga si Diane. Palabiro kahit kailan.
"Hindi po. Joke lang ulit kuya guard. May interview po ako. May appointment po ako kay Miss Sarah Guidicelli."
"Ah! Ikaw ba iyong kwitis?"
Old joke. Naisip ni Diane.
"Luces, kuya. Hindi kwitis."
"Ay, oo nga pala." Tawa nito. "Pareho na lang din naman kasi iyon. Pareho naman fireworksh."
Tiningnan nito ang record book at ibinigay kay Diane ang log book.
"Ayan! Sige, miss, diretso ka na lang sa opisina ni ma'am Giddy-goody-guchel-!"
"Guidicelli, kuya." Natatawang singit ni Diane.
Natawa naman ito habang naiinis sa sarili niya. "Ay basta! Punta ka na lang sa opisina ni Ma'am Shara."
"Sarah." Pahabol ni Diane.
"Oo na. Yun na yun! Sige na. hinihintay ka na nun."
"Kuya, ang laki ng ospital ano? Grabe! Parang kahit patirahin mo yata ang buong barangay namin dito, kasya!"
Sabi pa ni Diane with exaggerated actions bago ito umalis.
Nang bigla siyang hinila pabalik ng gwardiya.
"Alam mo, kwitis, nabanggit mo na rin lang yan. May sasabihin ako sayo sikreto."
Agad namang desididong making si Diane.
Maaga pa naman. May oras pa ako. Hindi naman ako ma-le-late sa interview. Saka magta-trabaho ako dito di ba, mabuti na na alam ko kung ano mang mga sikreto ang bumabalot sa ospital.
"Ano yun, kuya?"
"Dun sa may hallway papuntang OR at ER areas, huwag kang dadaan doon ng mag-isa."
"Bakit naman kuya?"
"Basta yung kasing mahabang hall- basta!"
"Anong basta kuya? Ang daya naman nito. Magkukwento tapos bitin? Tsk. Ano yan, to be continued? Abangan ang mga susunod na kabanata? Ganern? Bakit ba kuya?" At bumulong ito. "May multo ba doon?"
He smirked.
"Hay naku! Saka na lang. Sabi ko na nga ba, tsismosa tong batang ito eh. Di ba may interview ka?"
"Ay, oo nga pala!" Tapik nito sa noo. Parang ang bilis yata ng oras.
"Basta kuya ah pramis mo! Kwento mo yan ah?"
At nagpaalam na ito sa naiiling na guwardiya.
Dire-diretso papasok ng ospital si Diane ng may nabunggo ito.
Muntikan na itong matumba kung hindi lang ito nasalo ng taong nabunngo niya mismo.
"Miss, are you okay?" A masculine voice whispered in her ear.
Agad naman siyang tumayo at umatras palayo dito. "I'm sorry, sir. Hindi ko po sinasadya."
"Okay lang. You? Are you hurt?"
Mmm. Tunog foreigner. Anong lahi kaya nito? Shet! Ang gwapo! Naalala ko tuloy yung lalaking binabanggit sa akin ni Nadia. Pano kaya kung siya yun?
"Hello? Miss?" Sabi nito while waving a hand in front of her eyes.
Oh My Gawd! Nabuang na! Natulala ba ako? Shet talaga! Nakakahiya!
"Um. I have to go." Nauutal na sabi ni Diane.
"Okay." Sagot naman nito bago umalis na nangingiti.
~~~~~
BINABASA MO ANG
Sightless Love
RomanceIsang easy-go-lucky, playboy at walang plano sa buhay na anak ng isang business tycoon sa Germany si Jake Smith. Isa lang naman ang pangarap niya - ang maging piloto. Ngunit hindi ito ang kinabukasang nakikita ng ama niya para sa kanya. Ang ama niya...