Chapter 10

555 40 8
                                    



"Diane!"

"Yes, sir. Yes, sir!" Sigaw ni Diane mula sa labas ng bahay.

"Diane!"

"Wait lang sir! I'm coming!"

Patakbong umakyat si Diane sa kwarto ng amo.

"Diane!"

"Sir!"

"What took you so long?"

"Sir, I was-"

"And you even have the guts to tell me to wait?"

"Sir, I was just-"

"You know what? I don't need your reasons. I'm-"

"Sir, wait! Alam ko kung saan to pupunta-"

"What? English!"

"You can't fire me." She sounded firm.

"Who said I'm firing you?"

"You're not?"

"As you just said, I can't fire you."

"Sabi ko nga." Bulong ni Diane habang napakamot sa ulo.

"So, is my bath ready?"

"Sir, nag-iigib-"

"What? Again?"

"Sir, I was just- ano- uh- I was making igib."

"What's igib?"

"Get water!"

Natatawa si Jake sa bagong nurse niya. The best yet. He'll take this chance to make this fun.

Sa totoo lang may tubig naman sila. Pinakiusapan lang niya si Miguel na pasikretong patayin ang tubig para mapilitan mag igib si Diane. Hindi niya na sinabi kay Caloy dahil malamang ay magagalit iyon.

Kahapon, pagkarating lang ni Diane ay pinaglinis niya ito ng buong bahay. Masunurin naman ito at as far as he know malinis magtrabaho dahil pag uwi ng lola niya kinagabihan ay na impress ito sa linis ng bahay.

Hindi na nito inabutan ang nurse dahil hanggang alas syete lang ang duty nito sa kanya at alas otso na naka uwi ang lolo' lola. Hindi rin ito nag abot kinaumagahan dahil maaga rin ang mga itong umalis at alas syete na nang dumating si Diane.

Nag umpisa ang araw ni Diane sa pagpapakain kay Jake, pag ayos ng kwarto nito at paghahanda ng isusuot.

Ngayon nga ay pinag igib siya ni Jake ng tubig na ipampapaligo.

"Don't shout!"

"Sorry, sir. I mean I was just getting water when you called me."

"So where's the water you fetched?"

"Sir, it's still downstairs."

He seemed too much so he decided na medyo huwag na muna pahirapan ang dalaga.

"Okay, just help me get down. I'll just take a bath in the bathroom downstairs. And bring my clothes."

"Yes, sir!"

~~~~~

Diane

Habang naliligo ang amo ay hinihintay niya lamang ito sa labas ng CR. Nang tumunog ang cellphone niya.

"Hello?"

"Waahhhh!"

Nataranta si Diane sa sigaw sa kabilang linya. Tiningnan niya ulit ang caller ID at si nasigurong si Nadia nga ang nasa kabilang linya.

"Nadia? Anong nangyari?"

"Waahhh! Diane! Oh! My! Gawd! Di ka maniniwala!"

"Ano ba Nadz?"

"May balita ako!"

"Good or bad?"

"Good! Veeery good!"

"Phew! Ito naman, akala ko kung ano na!"

"Naalala mo yung-"

"Teka, teka. Saglit. Labas lang ako. Baka marinig ako ng amo ko."

"Speaking of which, hindi ka nag kukwento ah! Kanina ko lang nalaman kina tita na kinuha ka palang private nurse."

"Oo na. Hindi ka rin naman tumawag ah!"

Pareho kasi silang nakakuha ng bagong trabaho. Pagkatapos matanggap ni Diane sa AMC ay naka tanggap din si Nadia ng tawag na tanggap din ito sa inaplayang bangko kaya hindi pa sila nagkikita pagkatapos noon.

"O, ano na? Ba't ka napatawag?"

"Mangugumusta at magkukwento."

"Pwede ba mamaya na Nadz, kasi nasa trabaho ako, diba?"

"Saglit lang naman eh."

"Strikto ang boss ko Nadz, eh. Uuwi naman ako mamayang gabi. Mamaya ka na lang mag kwento baka magalit na naman si sir."

"Sige, bes. Basta-"

"Diane!"

"Wait lang bes ah. Tawag na ako ng boss ko. Bye."

Pag balik ni Diane sa loob ay bukas ang pintuan ng CR at wala na doon ang amo.

Lagot! Paktay na!

"Hey!"

Nagulat si Diane ng di namalayan na nasa likod niya na pala ang amo.

"Ay, kabayong nahulog sa imburnal! Hala ka! Nabuang na!"

"Is that really your favorite expression?" Tawa nito.

Ehmeghed. Gwapo talaga. Kung palagi ka lang bang naka ngiti eh.

"Hey!"

"Ay, sir. I'm sorry. I just- uh- have a call."

"Who was it?"

Em Gee! Di ko nahalata naka tapis lang pala ito ng tuwalya at half naked.

"Uhm- sir- uh-"

"What?"

Dali daling kinuha ni Diane ang inihandang damit ng amo at inabot dito.

"Sir, y-your c-clo-clothes po!" Kinakabahang sambit ni Diane.

He smirked.

Pakiramdam ni Diane ay halos matunaw siya.

Bakit ba ang gwapo mo? Juice colored. Bakeeet?

"Hand me my clothes one by one. Wait."

Pumasok ulit ito at isa isang pina abot sa kanya ang mga damit.

Nang maihatid niya na ito sa kwarto ay muli itong nagsalita.

"You did not answer me."

"Po?"

~~~~~


Sightless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon