"Hi bes, musta si BL?"
"Okay lang." Wala sa loob na sagot ni Diane.
"Hala! Tulala ka yata bes? Tita! Ang anak niyo po in love na. Ahh!" Tili nito.
Agad namang tumakbo palapit ang ina ni Diane.
"Anong nangyari anak?"
"He touched my face."
Sabi nito na tulala parin.
"He wiped my tears away. He held me in his arms. Haay..."
"Hoy!" Sinampal ito ni Nadia ng kaunti.
"Totoo?" Excitement is visible in her face.
Tumango-tango lang si Diane at diretso umakyat sa kwarto niya.
Tumili naman si Nadia sa baba hanggang sa nahalata na parang wala parin sa sarili ang kaibigan at umakyat na pala sa kwarto nito.
"Ano nangyari dun tita?"
Pagka akyat nito sa kwarto at pagka sara pa lamang ng pinto nito ay bigla itong sumigaw.
Nagkatinginan naman ang dalawa at agad na tumakbo pataas para tingnan kung ano ang nangyari kay Diane.
"Diane! Buksan mo ito? Anong nangyari sa iyo?"
Pagbukas ng pinto nito ay medyo well composed na ito.
"Wele pe meme." Pacute nitong bungad at agad hinila papasok si Nadia.
Muling tumili sa kilig ang dalawa pagkasara na muli ng pintuan.
"Hay naku." Nangingiting iling ng ina.
"Bes, sige pa. Kwento. I need to know!"
"Kasi bes, ganito yan. Inalok ako ni BL na maglakad lakad sa tabi ng dagat."
"Inalok ka?"
"Oo nga. Tapos nagsimula na siya mag kwento. Tapos earlier kasi eh tumawag si sir Jimmy may binaggit siyang babae. Siguro yung babaeng namention ko sayo dati na pinagseselosan niya yata."
"Tapos?"
"Tapos yun nga sabi niya 'I wish she's here by my side.' Tapos miss na miss niya daw ito."
"Teka, hulaan ko. Tapos nag selos ka tapos naiyak ka? Ganern?"
Tumango tango ito bilang sagot.
"Ayan! Edi inamin mo rin! Tapos pinunasan niya ang luha mo?"
Tumango ulit ito.
"Niyakap ka?"
Muli itong tumango at impit na tumili.
Niyugyog naman ito ni Nadia para matauhan.
"Bakit ka kinikilig kung ibang babae ang tinutukoy niya?"
"Kasi..."
"Kasi ano? Pabitin eh!"
"Kasi mama niya pala ang tinutukoy niya."
Kinuwento lahat ni Diane ang lahat ng nangyari ng araw na iyon sa kaibigan.
And she finally admitted to herself na nahulog na siya sa amo.
Hindi naman talaga mahirap na mahalin si Jake. Minsan medyo mahirap pakisamahan. Pero siguro ay dahil lang iyon sa mga pinagdadaanan niya.
~~~~~
BINABASA MO ANG
Sightless Love
RomanceIsang easy-go-lucky, playboy at walang plano sa buhay na anak ng isang business tycoon sa Germany si Jake Smith. Isa lang naman ang pangarap niya - ang maging piloto. Ngunit hindi ito ang kinabukasang nakikita ng ama niya para sa kanya. Ang ama niya...