Chapter 16

17 0 0
                                    

Chapter 16

--------------------------------------------

Elle's POV

"Janelle! Bilisan mo dyan!" Sigaw ni Papa.

Susunduin kasi namin si Kyle ngayon sa airport. Ewan ko ba kung bakit kailangan kasama pa ako. Hindi naman sa ayaw ko, pero--

"Janelle!!"

Tsk. Galit na naman si Papa.

"Okay na po." Sagot ko at umalis na kami.

Habang nasa biyahe ay naalala ko pa rin yung kagabi.

Bati na kami.

Magkasundo na.

Masaya pala no? Kapag wala kang kaaway. I mean, hindi naman sa nagkaaway kami pero, misunderstanding lang.

Napagusapan na namin lahat ng dapat pag-usan. Tulad ng sinasabi nilang sinet-up daw ako. Naisip ko kung dapat ko bang kausapin si Kyle tungkol dito, pero di ko ata kaya.

Isa lang ang hinding-hindi ko makakalimutan sa mga sinabi niya..

"Hindi ako susuko, Elle. Papatunayan ko sayo na mahal na mahal talaga kita."

Kahit medyo may pagka-cold pa rin yung pagkasabi niya, hindi ko pa rin makakalimutan.

Hindi siya yung tipo ng tao na mabilis sumuko. Lalaban siya hanggang sa may mapatunayan siya.

"Bat ka nakangiti? Hala, excited kana makita si Kyle no? Yiie~"

"Huh? Ah.. Hahaha." Sagot ko na lang kay Ate. Di ko namalayan yun ah.

Nababaliw na ata ako.

"Sama ka mamaya?" Tanong ni Ate.

"San naman?" Baka may photoshoot siya. Diba nga, model siya?

"Victory party ko. Ang galing ko talaga. Sama ka ha? Sabay naman tayo eh. Sige na~" Aww. Kulit ng kapatid ko.

"Sige. Pero magpapaalam mu--"

"No need. Alam na nila Papa. Tska isama mo din si Kyle." Sabi niya na parang kinikilig?

"Huh? Baka pagod sa biyahe yun. Teka, bakit naman?" Ako na chismosa.

"Isasama ko boyfriend ko eh. Alam mo, di niya alam na isasama kita. Para surprise diba? Ayaw niya kasing mameet kayo nila Mama. Arte nun." Sabi niya.

Wow.

"Andito na tayo."

Bumaba agad kami sa sasakyan. Sinabi ni Papa na dito na lang daw kami maghihintay, baka daw makilala si Ate. Sikat kasi.

"Oh! There they are!" Biglang sabi ni Mama.

Si Tito at si Kyle lang ang magkasama. Naiwan ang Mama ni Kyle sa States, may business kasi sila dun.

"Bakit kalbo ka?"

Napatingin ako kay Kyle ng bigla siyang tanungin ni Ate.

Oo nga.. Wala siyang buhok..

At tska parang ang payat niya?

"Ah.. Eto? Hahaha. Wala lang. Style, para maiba naman ako." Sagot niya.

Pero parang ang weird. Hindi naman bagay sa kanya.

Kakaiba talaga.

Tahimik na din kami pabalik. Napagod daw kasi sila Kyle.

His' Girl (EXO FF) (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon