Last Chapter

7 1 0
                                    

Last Chapter

--------------------------------------------

Her' POV

Marami ng nagbago pagkalipas ng maraming taon..

May nawala.. May umalis..

Parte na ng buhay natin ang pagbabago, hindi na mawawala yun at hindi na yun bago..

Ang isang Janelle Park..

Isang babae na ang tanging ginusto ay ang makatanggap ng pagmamahal at pag-aalaga mula sa kanyang pamilya..

At sa isang lalaking minamahal niya..

Ang akala kong HAPPY ENDING kasama ang lalaking mahal ko ay naging isang alaala na lang ngayon.. Isang magandang alala na hindi dapat na kalimutan.. Pero mahirap kung hindi mo pakakawalan..

Masasaktan ka lang.

Ngayon nakatayo ako sa harap ng puntod ng lalaking minahal at hanggang ngayo'y minamahal ko..

Akala ko ay hindi na niya ako sasaktan muli.. Pero sa pag-alis niya.. Nasaktan na naman ako..

Ni sa panaginip ay hindi ko inisip na mangyayari ito.. Lalo na't sa kanya.. Sa kanya pa..

Tumulo na naman ang luha ko ng maisip ko yung masasayang nangyari sa amin kahit na sandali lang kami nagkasama.

"Ang daya mo. Sabi mo hindi mo na ako sasaktan pero.. S-sinaktan mo pa rin ako.." Bulong ko habang nakatingin sa puntod nito.

"B-bakit? Bakit ka umalis?"

Ang lalaking mahal ko.. Wala na. Hindi ko na makakasamang muli. Siguro sa panaginip, oo. Pero sa realidad, hindi.

Ilang beses na nga ba akong nasaktan? Ilan beses na nga ba akong umiyak dahil sa kanya?

Tama ba na siya talaga ang lalaki para sa akin? O meron talagang iba na karapat-dapat para sa akin?

Siya nga ba ang tamang lalaki para sa akin? Siya na noon ay sinaktan at ngayon'y sinasaktan pa rin ako?

"Malungkot ka rin ba ngayon?" Tanong ko habang nakatingin sa taas ng nakapikit.

Umuulan. Ibig sabihin ba nun ay malungkot din siya dahil sinasaktan na naman niya ako? Ako na sinabihan niyang hindi niya na iiwan at hanggang kamataya'y mamahalin niya?

May isa akong salita.

Kung ano ang sabihin ko gagawin ko.. Pero bakit hanggang ngayon, kahit pilitin kong wag masaktan.. Nasasaktan pa rin ako?

"Siguro hindi nga tayo para sa isa't isa.. Kasi kung tayo.. Hindi mo ko iiwan.."

Umiiyak na naman ako kasabay ang pagbuhos ng ulan.

Si Sehun na sinaktan na naman ako.. Si Sehun na nangakong hindi na ako muli paiiyakin at iiwan.. Si Sehun na minahal ko..

Pero hindi niya tinupad ang pangako niya.. Iniwan niya pa rin ako.. Sinaktan niya pa rin ako..

Peste kasing aksidente yan. Siya pa ang kinuha. Bakit kasi siya pa ang natamaan ng pesteng car accident na yan!?

"Tama na.. Ayoko ng masaktan.. Sobra sobra na eh.. Hindi ko na kaya.."

Napaluhod na lang ako sa sobrang panghihina at pag-iyak.

Pero nagulat ako ng lumapit sa akin ang isang lalaking kailanman ay hindi sumuko at tumalikod sa akin..

Ang lalaking hindi sumuko at tumigil sa pag-intindi sa akin.. Ang lalaking nandyan parati kapag kailangan ko. At ang lalaking patuloy na nagmamahal sa akin..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His' Girl (EXO FF) (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon