Chapter 49

7 0 0
                                    

Chapter 49

--------------------------------------------

Amber's POV

"Walanghiya ka! Papatayin--"

"Tama na, Amber." Pagpipigil sakin ni Elle.

A month after ng malaman na namin ang lahat-lahat. Okay na naman kaming lahat. No worries.

Nasa isang coffee shop kami ni Elle at sa kasamaang palad, natapunan ng isang babae ang damit ko.

Hindi niya ba ako kilala!?

"Hanna, let's go. Baka kung ano pang magawa ko at masira pa ang career ko." Naglakad na ako palabas ng shop.

Hanna pa rin ang tawag namin sa kanya in public. Maganda na kasi ang buhay at career niya, at nakilala siya bilang Hanna Kim.

Kaya yun, it's not a big deal samin.

Tiningnan ko ulit siya sa loob. Hindi niya pala ako sinundan at kinakausap niya yung babae!? Don't get me wrong, sa babae ako galit hindi sa kapatid ko.

Napansin kong sinigawan nung babae si Elle.

What the fvck!?

Papasok na sana ulit ako ng bigla siyang sampalin ni Elle. Dalawang beses.

Nanigas ako sa pwesto ko hanggang sa nakalapit na si Elle sakin.

Bakit niya ginawa yun!? Hindi niya ba alam na baka masira ang career niya dahil sa ginawa niya!?

"Tara na." Sabi niya at sumakay na ng kotse. Her car, at siya ang driver ngayon.

Sumakay na lang din ako at tinitigan siya.

"Wag mo sabihing ngayon ka lang nakakita ng babaeng nanampal? Di na bago yun." Sabi niya at nagsimulang mag-drive.

"No!" Sigaw ko kaya napahinto siya.

"Ano?" Tanong niya.

Hindi ako galit sa kanya okay? Nag-aalala lang ako sa kanya!

"What were you thinking!? Alam mo bang pwdeng kumalat ang ginawa mo at masira ang career mo? Alam kong hindi ka ganyan! Jesus, are you crazy!?" Sigaw ko.

Tinaas naman niya yung dalawa niyang kamay, sign of surrender.

"Sila na ang may problema. Nakilala nila ako bilang isang maldita at mataray kaya papangatawanan ko na. Hayaan mo sila kung ayaw nila sakin, ayoko din sa kanila. So, it's fair."

Napanganga na lang ako sa sinabi niya.

Alam kong hindi siya mataray or what! Pero-- Pero nakakapanibago pa rin na ganto siya!

I mean, mahinhin siya dati and now, she's slapping that no-one-knows-girl's face!?

I sighed.

"It's up to you now." Sabi ko sa kanya at nagdrive na lang siya ulit.

Oo nga pala, halos nagkakasama na kami sa lahat ng photoshoots. Magkamukha daw kami kaya maganda na pagsamahin kami.

Like, duh!?

Malamang magkapatid kami! Shunga lang? Oh well, hindi naman nila alam eh.

Papunta kami sa bahay. Bibisitahin namin si Papa. He's okay now at okay na din sila ni Elle. Buti na nga lang at hindi na sila nag-away ng una ulit silang magkita.

"Ma! Pa!" Tawag ko ng makapasok kami sa loob.

Sinalubong naman kami ng isang katulong dito sa bahay.

His' Girl (EXO FF) (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon