Chapter 46
--------------------------------------------
Luhan's POV
"Luhan di ka pa matutulog?"
"Nope. Matulog na kayo." Sagot ko kay Tao.
Nakapag-ayos na kami ng mga gamit namin at yung iba, nagpapahinga na. Bukas daw ang start ng adventure nila. Tss.
Nandito pa ako sa labas. Hindi pa kasi ako makatulog. Tska tinitingnan ko pa yung beach pero bigla namang umulan. Saklap.
Nakaupo ako dito sa may pinto ng resthouse namin. Umuulan kasi, paano ako lalabas diba?
"Luhan?" Nagulat ako sa boses ng babae na tumawag sakin.
Napatayo ako. San sila galing? At tska bakit sila basa? Nag-swimming ba sila?
"Kayo pala. Pasok na kayo." Sabi ko sa kanila at pumasok naman sila, sumunod na din ako. Mehehe.
Pagpasok nila napansin kong basang-basa talaga sila. Ano bang ginawa nila?
"San kayo galing?" Tanong ko.
"Beach." Sagot nung Jiro aat tumango lang ako.
"Magkasama na lang pala kayo ng kwarto. Dun sa pinakadulo tska nandun na rin mga gamit niyo." Pag-iinform ko sa kanila.
Tss. See? Magkasama pa sila ng kwarto. WTF, diba? 7 rooms lang kasi ang nandito at si Xiumin ang kasama ko sa kwarto.
"No, thanks. Aalis din ako." Jiro.
"What?" Gulat na tanong ni Hanna.
Buti nga aalis to eh. Tska bakit parang ayaw niyang paalisin?
Nakalimutan ko pala.. Boyfriend niya to.
"Hinatid lang kita. Tara na." Tapos naglakad na sila papasok ng kwarto.
Hindi naman sila gagawa ng kung ano diba? Tss. May tiwala ako kay Hanna.. May tiwala ako kay Elle.
Teka, nagugutom ako.
Wala na kasing natirang pagkain kanina. Ang takaw kasi nila kaya hindi ako nakakain ng maayos. Ngayon na lang.
Noodles na lang. Pwde na to kasi umuulan naman.
Nagluluto ako ng biglang lumabas yung Jiro at si Hanna. Nakaayos na silang dalawa at mukhang paalis na yung isa.
Time check: 12:23 am.
Oh? Aalis siya ng ganto kaaga? Iiwan niya basta yung girlfriend niya? Tss.
"I can take care of myself." Jiro to Hanna.
"Pero pwde namang mamaya na." Hanna.
Ngumiti sa kanya yung Jiro at pinat yung ulo niya. "Ngayon na. Tska tumigil na yung ulan oh. Sige alis na ko--"
"Ihahatid kita sa labas!" Nahulog ko yung kutsara na hawak ko. Shit naman.
"Sorry." Sabi ko sa kanila at tiningnan yung niluluto ko.
Inilagay ko na sa isang bowl yung niluto ko. Nakakagutom talaga.
Narinig ko na lang na sumara yung pinto kaya napatingin ako dun. Nakatayo lang siya sa may pinto.
She like him that much? Does she love him?
I sighed. Nawalan na ko ng ganang kumakain.
Nilagay ko na yung kinain ko sa lababo at uminom ng tubig. Napansin kong nakatingin siya sakin.
BINABASA MO ANG
His' Girl (EXO FF) (FINISHED)
FanfictionHis' Girl (EXO FF) Finished!! An EXO Story about friendship, family, trust, sacrifices and love. Thank you. <3 :)