Chapter 8 - Strawberry Tease (WARNING SPG!)

5.7K 116 3
                                    

Megan's POV

I still can't believe na classmate ko sya sa dalawang subject! My God! Whyyyy! Nilapag ko na muna yung bag ko sa table malapit sa bed ko at humiga.

"Relax Meg. Isang presentation lang and you'll never talk to her again." I whispered to myself. I'm acting strange after that night. I have alot of questions in my mind. Why did she kiss me? And why did I respond?! And now she's acting like it's a normal thing to kiss a random person!! Like WTF! Marami na kong na-kiss na friends ko sa lips but its just a peck. Pero sya? Hindi lang peck yun! Yun na talaga yung first kiss ko and she stole it!! I groaned in frustration and just took a shower para mawala lahat ng stress na pumapasok sa utak ko.


"Ughh! What should I wear?!" I screamed histerically ng makita ko yung gabundok na mga damit na hinagis ko sa bed ko. Napa-face palm nalang akong humarap sa salamin ko. Syempre dapat mas maganda ko sakanya noh.


"Bakit ba kasi kailangan mong maghanap ng magandang outfit? Sino ba ka-date mo? " I blushed when I heard Ate Elisse, Hindi ko napansing nakapasok na pala sya ng kwarto ko. Hindi kami masyadong close kasi step sister ko lang sya bali parehas kami ng dad pero magkaiba kami ng mom. Kinuha ako ni dad, live with them and it's almost a year na ding nakikitira ko dito. They treat me well but I still need to prove myself to them that I'm worthy to be here. Si Ate madalas ko syang maka-kwentuhan.. I know most of the things that happened to her, pati yung ex nya na nanakit sakanya.. But I haven't seen his face yet since knkwentuhan lang naman ako ni Ate madalas pag lasing syang umuuwi ng bahay. Mayaman din yung side ni mom ko kaya nilagay nya sa saving's account ko lahat ng investment nya before she died and may isa syang kumpanyang pinangalan sakin pero syempre hindi ko pa yun kayang i-manage sa ngayon..

Somehow.. nahihiya padin ako kay Ate Elisse. Ang ganda nya kase, matalino, mahilig sa sports at maghandle ng business. Almost perfect diba? She's like a Goddess and she's my inspiration kaya ako nag-aaral ng mabuti. Kaso masungit sya.. Isang beses ko lang ata sya nakitang ngumiti and yun yung isang beses na galing sya ng school nya.

"Uhm.. Ate wala po akong ka-date naghahanap lang ako ng susuotin ko kasi pupunta ko sa bahay nung classmate ko gagawa kami ng presentation." Paliwanag ko.

"Why don't you just wear that black off-shoulder blouse and mag shorts ka nalang. Casual lang but it suits you." And with that umalis na sya ng kwarto ko kaya kinuha ko yung damit sa sinuggest nya at sinuot ko na din agad. She's right at all times. Napangiti tuloy ako pag-harap ko sa salamin.


"Manaaaaaang! una na po ako may gagawin lang kaming video presentation." I shouted dun sa middle aged woman namin na kasama sa bahay, she's so nice to me parang acting parent na din namin sya since kami lang halos ni Ate Elisse ang madalas nasa bahay.


"Osige iha basta ha tawag agad kay George kapat uuwi kana para masundo ka." Bilin nya pa so I just nod at her. Pasakay na sana ko ng kotse ko ng tawagin ako ni Ate.



"Meg do me a favor." She seriously said and smiled softly


*********






"Maam baka umulan mamaya, yung kotse nalang po ni papa nyo ang gagamitin ko pagsundo mahirap na baka tumirik tayo." George said bago pumasok ng kotse

"Just wait for my call okay?" Nag nod lang naman sya atsaka nag-drive na paalis. Napatingin ako sa bahay ni Lavigne. Hmm malaki, maganda at may mini garden sa harap. Ilang beses ko pang tinext si Lavigne pero hindi parin bumubukas yung gate niya. Makalipas ang isa pang minuto ay nagsimula ng pumatak ng unti-unti ang butil ng ulan sa buhok ko!

 Sexy Little Devil  (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon