1.Spoken Words

271 6 0
                                    



"Simula,Gitna,Wakas" by- Lalaine Emperador



Saan ko nga ba dapat simulan?

sa mga kwento mong puno ng kalokohan.

Sa mga pangako mong walang patutunguhan.

o sa mga naiwan mong alala na dapat ko ng kalimutan

Noon, sabay tayong kakain sa tangahalian

Sasabayan mo ako sa pag-uwi dahil delikado na

Hatid sundo mo ako saan man magpunta

Magsasalo tayo sa masasayang alala na itatabi natin hanggan sa pag tanda

pero, bakit nakuha mo parin akong ipagpalit

San nga ba ako nagkulang?

nag sasawa ka na ba?

meron na bang iba?

Saan na nga ba papunta

Itong pagmamahalan na walang patutunguhan

saan lupalop na napunta

Pag-ibig kong labis sayo dapat ang huling hantungan

Mahal naman natin ang isa't isa

ngunit bakit naging ganito?

Hanggan dito na lang ba tayo?

Wala na bang pag-asa?

bibitaw na ba ako?

Kaya pala..

May iba na pala

Wala ka na palang mapapala

kaya pala, ganun na lang kabilis mawala

mag laho na parang bula

May iba na paglalaanan

ng pagibig mong puno ng pangakong

parang pako

kaya pala..

kaya pala ang bilis mo makalimot

na akala mo mga pinagsamahan natin

ay inipon lang ng kahapon

Kahapon...

Kahapon masaya tayo

kahapon, sweet tayo

kahapon, ang huling araw na minahal mo ako

nagsawa na nga talaga

kahapon lang ako yun kasama mo

ngayon iba na agad

ganon ba ako kabilis palitan

na parang basura kung itapon kung saan saan?

Saan lupalop mo nga ba sya nakuha

na parang pag kakita mo pa lang sa kanya nalimutan mo na ako

ako nanagmamahal sayo

ako nag naghintay sayo

ako na nasasaktan ng dahil sayo

ano nga ba ako para sayo

ano nga ba ang isang katulad ko para sayo

Ako! si ako lang naman yung tangang nagmahal sayo

yung tangang naniwala sa mga pangako mo

yung tangang tumawa sa mga corny jokes mo

yung tangang dinamayan ka, sa kasawian mo

palihim akong umiyak

maging matatag lang sa harap mo

kaso wala parin pala

akala ko magbabago lahat

kaso para lang akong tangang aso na humahabol sayo

ngayon ako naman ang nagsawa

sawa na akong intindihin ka

sawa na akong makinig sa mga dahilan mo nag nagpahulog ulit sa puso ko

sawa na akong mahalin ka ng paulit-ulit

sawa na rin akong mag hintay

sawa na akong umasa

sawa na akong masaktan

sawa na ako sayo

sana ngayon ako naman

ako naman yung manakit

ako naman magpaasa

ako naman yung mangako

ako naman yung maging masaya satin dalawa

sana naman ako naman yung habulin mo

kaso kahit ilang milya pa ang takbuhin mo

ilang dagat pa ang languyin mo

ilang bundok pa ang tawirin mo

wala na talaga

pagod na ata siya

hindi na siya muling hahabol sayo, kaya patawad ako naman ngayon ang napagod

patawad kung ngayon ako naman ang bibitaw

patawad kung ngayon ako naman ang bibitaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SPOKENING TULA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon