Ikalawang Araw

77 5 0
                                    

Ikalawang araw

Dalawang araw ng walang pansinan, walang kibuan, wala ng ngiti, at mga tawa, wala ng masasayang samahan, at matibay na pagmamahalan. Nawala na ang dating tayo.

Nakalimot ka na,na akala mo ang mga pinag saluhan natin alaala ay nabuo lang ng kahapon, Lumipad ka ng kasing tayog ng lobo, sumasabay sa bawat ihip ng malamig na hangin, umiindayog kasabay ng mga puno't bulaklak na abot langit. Malaya ka na, sa akala mo malaya ka na. Pero mahal ako na mismo ang magsasabing HINDI PA! dahil hanggang ngayon ikaw pa, ikaw lang at tangin ikaw lang. Mahal, kahapon lang nawala sa hinuha mo ang TAYO, kahapon lang nasira ang dalawangpung taon na naging TAYO. 

Ikalawang araw, alam kong wala pa sa ayos ang iyong pag iisip, wala pa sa katinuan ang iyong kaluluwa, at hindi pa tama ang mga desisyon mo. Pero hindi kailangan paabutin sa punto bibitaw ka na. Lilipad, magtatago,Aalis,tatalikod, o kung ano pa ang tawag mo sa pag iwan mo sa akin.

Hindi kailangan umabot sa punto, na nasisiyahan ka na sa bawat pag patak ng luha sa aking mga mata. Mahal isa lang ito sa pagsubok, isang hindi pag kakaunawan na maaaring idaan sa mabuting usapan, ngunit pinangunahan ka ng iyong PRIDE, mas inuna mo ang nararamdaman mo. Mahal, kung nagsasawa ka man na, maaari ka munang magpahinga, pero hindi ka maaaring matulog at lumayo ng pangmatagalan.

Hihintayin kong harapin mo ako, hihintayin ko kung kailan pwedeng mabalik ang dating TAYO. 

Maghihintay ako, kahit wala na akong hihintayin pa💔


SPOKENING TULA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon