SPOKEN POETRY

677 11 0
                                    


Wala nang mas sasakit pa sa "Ikaw at Ako" By- Lalaine Emperador

Si ikaw at ako, mga salitang pilit kong iniwasan mabuo

dahil ang tangi ko lang alam ay ang salitang "TAYO".

TAYO, lintek na tayo? tinanong kita kung mayroon tayo.... pero tumawa ka

napangiti ako dahil sa pagkatagal tagal ng oras at lakas ng loob na inipon ko sa wakas

naitanong ko din, pero mas napangiti ko sa pag aakalang natuwa ka dahil sa wakas

naitanong ko din kung anong mayroon sa "Tayo" o meron nga bang "TAYO", pero

parang, mas gugustuhin ko na lang sana na hindi magtanong dahil sa sagot na yong handog

"bes... ano bang tanong yan, Kaibigan lang naman kita", Dun ko lang lubusang na isip

na hindi ka pala natuwa... mali NATAWA pala akala ko wala ng sasakit pa dito

pero, akala lang pala, dahil kinabukasan, pagmulat ng aking mga mata na naging saksi sa

pagiging tanga nitong kaibigan mong walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ka,bumungad ang

mundong nagpapamukha sa akin, na tanging IKAW AT AKO salitang kailanman ay hindi

pwedeng maging tayo, salitang kahit pagbalibaligtarin mo hindi magiging TAYO. Akala ko wala

ng mas sasakit pa sa BESZONED kung baga, pero bumaligtad tong lahat simula ng ipamukha

mo na si ikaw at ako ay malayong maging isang TAYO. Sabi nila, iiiyak ko lang daw, kaya ginawa

ko naman.... hanggang sa pagmulat ulit ng aking mata, masakit parin pala... LUHA?! putanginang

luha yan, anong napala ko? wala naman diba, nagmukha lang akong mahina at tanga sa mata

niya, sa mga matang niyang paulit-ulit na nagpahulog sa akin. Nagpahulog? o ako lang tong si

tanga na kusang nahulog? sabi ko " Hoy! ginusto mo to diba? huwag mong isisi sa iba". masakit

pala na matulog na nakatatak sa utak ko yung salitang IKAW AT AKO... ARAY! ang daling sabihin

pero mahirap gamutin.Isa-isahin natin kung anong naging papel ni ako kay ikaw... Si ako yung

naging balikat pag kailangan ni ikaw ng karamay. Si ako yung naging panyo nung kailangan

ni ikaw ng pipigil sa mga luha niyang pilit na umaalpas sa mata mong sinaktin ng iba. Uy!

Writter pala si bes... Shet! si bes writter, kase kaya niyang manipulahin ang storya ng buhay ko

Akala ko sa storya na binuo mo tayo yong bida, yun pala ako lang yung extra

extra sa mga dapat pinagbibidahan niyong dalawa

kayo, syempre kayo lang, kase di hamak na ako lang naman yun noon kaya wala akong karapatan sa ngayon at sa bukas mo.

SPOKENING TULA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon