Bakit ikaw pa?

157 2 0
                                    


Bakit ikaw pa?

Isang tanong na hanggang ngayon hinahanapan ko ng sagot.

Sagot na kahit ikutin ko na ang mundo hindi parin makita.

Isang tanong na para bang SOBRANG HIRAP sagutin.

Isang tanong na walang PANG sagot, pero pakiramdam ko hindi na magkakaroon pa.

Pero teka, bago natin harapin ang kinabukasan, bakit hindi muna natin balikan ang nakaraan?

Bumalik tayo dun sa panahon na puro ka pangako.

Yung pangako! Dadalhin kita sa Eiffel Tower para sweet tayong tignan

Bumalik tayo dun sa panahong nakuha mo pang mag-biro ng "Hindi naman kita mahal"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bumalik tayo dun sa panahong nakuha mo pang mag-biro ng "Hindi naman kita mahal".

Pero hindi ko aakalain na dadating tayo dun sa punto na,bibigay ka na. yung sumuko ka na

bakit parang ibalis lang para sayo isantabi yung nararamdaman ko, porque ba, mayroon ka ng iba? o baka naman, kasi simula palang eh, wala naman talaga.

Alam mo nagtataka ako bakit sa dinami-dami ng lalaki sa tabi-tabi ikaw pa? sayo pa ako nahulog, naniwala sa mga salita mo na akala ko magdadala sa akin sa altar, aakay sakin pagtanda, sasama sakin sa pag-gawa ng pamilya.

Pakiramdam ko tuloy, wala na akong kakampi, dahil ikaw lang naman yung naunawa sakin, yung umaagapay sakin, yung nakikinig sakin. Pero ang hindi ko alam sa likod ng mga magagandang gawi mo, may natatagong plano. Ang pagunawa mo pala sakin,pagtalikod ko, naaartehan ka na, yung pag-agapay mo pala sakin,ay sa ibang direksyon na papunta, yung pakikinig mo pala sakin na akala ko hanggang sating dalawa lang, nalaganap sa buong sambayanan. Mayroon ka palang ika nga nila eh "HIDDEN AGENDA" kaya ka ganyan.

Pero mukhang naayon di si tadhana sa aking kagustuhan

binigyan niya ako ng pagkakataon para makawala sa mundo mo,inilayo ka niya sakin.....pero ang aking pagkakamali ay yung, sumunod ako sayo, kahit alam ko namang masasaktan lang ako.

Pero teka! bakit parang gusto kong palitan ang tanong "Bakit hindi na lang ako?" yung ganyan ba, pero mali parin eh, hindi pa sapat para masagot yung sandamakmak kong tanong pero ito na siguro "BAKIT SI JAYSON PA?!". "BAKIT YUNG BESTFRIEND KO PA?!"

ngayon malinaw na sakin ang lahat, kaya pala pilit mo akong pinalalayo kay jayson dahil nagseselos ka, nung una akala ko dahil lalaki din siya pero ngayon alam kona. Kasi ako pala yung mahal ni jayson. 

Pasensya na! Hindi ko alam na ka-uri mo pala ang gusto mo.

Sorry kasi akala ko ikaw na, kaya pala diring-diri ka hawakan ang buhok ko

diring-diri ka sa pagkain kwek-kwek at isaw. kaya pala ayaw mong binibilhan kita ng pabango dahil amo'y pang lalaki ito at hindi mo gusto. Akala ko dahil mamahaling pabango lang ang gusto mo pero yung sakin pala ang tipo. kaya pala gusto mo lagi na ikaw ang naglalagay ng lipstick sakin dahil sanay ka, gawain mo na pala.

Pero sige, hindi na kita huhusgahan. kahit alam kong ikaw pa rin, lalayo na ako

Ang sakit lang bumalik sa nakaraan, na gusto ko ng ibaon pero kahit anong gawin ko,sumusulpot talaga eh. Pero teka! hindi ko kailangang, manatiling nakatayo dito sa nakaraan, kung ang hinaharap na mismo sa akin ngayon ang naghahanap. Pero bago ko, makalimutan ang lahat, may sasabihin muna ako.

Dahil ngayong nahanap na ako ni hinaharap, masaya na ako sa piling ng taong nararapat para sa akin, masaya na ako pero hindi ko maiwasan magtanong,bakit ikaw pa ang nauna, kung pwede namang hindi na lang? pero bakit nga ba ako naniwala sayo noon? pero hindi ko na babalikan pa lahat kasi masaya na ako. PERO!

Paano ba yan, isang tanong lang naman na ang kailangan ko para maka-abante sa susunod na pahina ng aking sariling istorya.

BAKIT IKAW PA?


SPOKENING TULA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon