Jesus

237 1 0
                                    


Nandito ako sa malayo

sa lugar kung saan mo gusto

sa lugar na malayo sa gulo

sa lugar kung saan lahat tayo ay nagkakasundo

Gustuhin ko mang ikaw ay dalhin, isama, at ihatid

ngunit hindi maaari, hindi ako pwede mag desisyon

ng wala siya, hindi ako maaaring mag salita at gumawa ng hakbang ng wala siya

Sa kanya ako naasa, naniniwala, nagtitiwala, at na nanampalataya

siya ang takbuhan ko kapag kailangan

at nalalapitan sa oras ng kahirapan

Siya din ang gumagabay sakin sa tamang landas

humahanap sakin pag naliligaw

Nagtatayo sakin pag tumutumba

At umaalalay sakin pag pagod na

Siya din ang nasasabihan kapag nasasaktan

iniiyakan pag iniwan

at nilalitan pag wala na

Siya lang naman ang natatangi sa lahat

ang diyos na wala katulad

ang diyos na kailangan ng lahat

Ang diyos na kailangan mo lang kapag nahinirapan ka na

Ang diyos na nagmamahal sayo

ang diyos na gagabay sayo

ang diyos na aakay sayo

ang diyos na magtitiwala sayo

ang diyos na magugustuhan mo

ngunit bakit tinalikuran mo siya para lang sa sari'i mong kasiyahan? Binuhay ka niya

Namatay siya para sayo

Nahirapan siya para sayo

wag kang maniniwala na ang mundo ay nababalot ng kasamaan, dahil alam kong kahit wala ng pag asa.

Gagabay at gagabayan ka niya patungo sa landas kung saan ka sasaya

SPOKENING TULA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon