Sa isang malapalasyong bahay ako nakatira, may kompletong pamilya, minsan nagkakasiyahan, at madalas nagtatalo.
Madaming problema ang nadating pero ni isang beses hindi ko naisipang sumuko. Laging ko siyang nalalapitan tuwing kailangan ko ng tulong.
Sa bawat patak ng luha ko, iniisip ko na lang na malalampasan ko din ito. HINDI AKO SUSUKO!
Ang pamilya ko ay kina-iingitan ng nakararami, madaming may gustong mabuwag kami, o mamamatayan ng sa ganon bumagsak ang aming munting pamilya.
Hindi ako humiling ng mas mataas pa dito, hindi ako humiling ng mas masakit pa dito.
Isang suliranin ngayon ang aking kinahaharap, masakit "TOTOONG MASAKIT"! gusto ko ng sumuko, dahil ang mga taong akala ko matatakbuhan ko sa mga ganitong panahon, nariyon at nagsasaya kasama ang iba.
Ang pamilya ko na dating MASAYA, BUO, at NAGMAMAHALAN.......
mabubuwag na ata ngayon
Si ina, sumuko na
Si ama, susuko na
Si kuya, tumalikod na
Si Ate, tumakbo na
At Ako? ito ako, naiwan mag isa, katulad ng palagi kong hiling, kabaligtaran na naman ang nangyari.
Ang pamilya ko, wala na...
sira na, at siguro kahit kailan hindi na mabubuo pa.
Isang gabi, naisipan kong tanungin ulit siya, bakit ganito? bakit ako? maraming bakit ang nakapalibot sa utak ko! isang solusyon lang ang alam ko.
"Huwag mo na akong gisingin kung ang kapalit naman ng aking buhay ay maging masaya ang aking pamilya" hindi iyan hiling, isa yang utos, alam kong wala akong karapatang mag utos sayo dahil una sa lahat napaka taas mo, pero hindi ko maiwasan.
Pero sadyang napaka lupit nga naman ng mundo. Ito ako at nagsusulat na naman ng hinanakit ko, alam kong marami sa inyo ang nag-aakalang, ang mga likha kong ito ay pawang mga imahinasyon lang, nagkakamali ka. Dahil ang lahat ng ito ay totoo, lahat ng hapdi at sakit, totoo, gusto ko ng bumitaw tapusin ang nasimulang likha kahit wala pa sa gitna. Nais ko ng bunitaw, dahil wala ng pag asa, wala na akong makakapitan. Wala na ang pamilya ko, wala ng bubuo ng buhay ko.
Huli na ito, wala ng bukas, susunod, o karugtong, tatapusin ko ng ang yugto ng buhay ko dito, maaaring Matuloy ang aking plano at maaari ring hindi. Ngunit ngayon, kaibigang masasandalan ang kailangan ko, kaya't tulungan mo ako, makabangon sa lahat ng baha, samahan mo akong suungin ang ulan, alalayan mo ako tawidin ang nakaraan, at gabayan mo ako sa hinaharap.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
😭💔😔👋🏥✖
BINABASA MO ANG
SPOKENING TULA!
PoetryMga tula at Spoken words para kay krass, para sa mga na inlababo, at nasaktan, para sa mga pina-asa, at hanggang ngayon umaasa, para sa mga nagmamahal, at minamahal. Para sa mga torpe. Sa mga kaibigang manhid, kay bestfriend. Para sa teacher,magulan...