Tagu-taguan, lantaran hanggang SAMPU

177 4 0
                                    

Tagu-taguan

maliwanag pa sa buwan

mga ngiti mo kaakibat

 sigla at buhay sakin. Pag kabilang ko ng sampu

ikaw ay dapat sa akin na.

Isa.... Dalawa..... Tatlo...., magbilang tayo hanggang maubos ang mga bituing nagniningning sa langit. 
Apat....Lima....Anim....Magbilang tayo hangga't kaya ko pa

Pito....Walo....Siyam...Magbilang tayo hangga't nakakapit ka pa

SAMPU! TAPOS NA! katulad ng aking pagbibilang tapos na rin ang TAYO, tapos na rin ang sinimulang tayo.

Sampu... Sampung linggo, 

katumbas ng humigit kumulang Dalawang Buwan. 

Pagbilang ko ng sampu katulad ng pag-tatapos ng aking pagbibilang, 

siya ring pagtatapos ng ating pagmamahalan. 

Sampu. 

kung titignan mong maigi, 

isa lamang ito sa milyong milyong numero sa buhay mo, 

pero isa ito sa hindi ko makalimutan. 

Ang numerong SAMPU! 

Sa numerong sampu, 

tayo natapos. 

Tinapos mo na,

Natapos na, 

sabi mo sawa ka na, 

sawa ka na sa dalawang buwang pinagsamahan, 

sawa ka na sa paulit-ulit na ikot ng ating buhay, 

humahanap ka na ng mga makabago at hindi luma,

 humahanap ka ng mga bagay na wala sa akin at  makikita mo lang sa iba.

Ngunit, makalipas ang SAMPUNG ARAW, 

heto ka! 

Heto ka sa aking harapan at humihingi ng TAWAD, 

humihiling ka ng isa pang pagkakataon.

 Pero mahal... 

Ganun kita kamahal, na kahait alama kng mananakit ka lang... tinanggap pa rin kita. 

Ang sabi mo magbilang ulit tayo sa simula, 

umpisahan ulit natin sa simula, sa panahong medyo nagkakailanga pa. 

Sa panahong hindi ako sigurado kung TAMA pa nga ba.

Tinapos natin sa sampu, pero uumpisahan ulit natin sa SAMPU.

SPOKENING TULA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon