Doon Tayo

65 2 0
                                    


Doon tayo

Doon tayo, sa panahon kung saan masaya ka pa sa piling ko

Doon tayo, sa panahong ang Tayo ay hindi pa AKO

Doon tayo, sa panahon kung saan ako pa ang hanap mo

Doon tayo, sa panahon nung wala pa siya sa istoryang ako ang bumuo

Doon tayo, sa panahon kung saan ang TAYO, ay hindi pa nagtatapos

Doon tayo sa panahong hindi pa siya ang hanap mo

kung saan ako pa ang gusto mo

kung saan sapat na sayo ang Tayo

Doon tayo...

pero, kahit paulit-ulit kong ibalik ang oras ng kahapon

hindi na magbabago ang lahat

hindi mo na uli mabubuo ang puso kong iniwan mong basag at nagkalat

hindi mo na matatanggal sa isip ko na hindi mo ako minahal

Alam kong mahirap balikan pero sige, ituloy natin to

simulan natin kung saan tayo nagsimula

Sa istorya ng ikaw at ako

paulit-ulit kong sasabihin na hindi lang ako

kundi ang bida ay tayo

kahit saan sulok ng mundo

walang makakabuo

kundi ikaw lang at ako

naaalala ko pa

sa sobrang likot ng imahinasyon mo

nasa simula pa lang tayo

planado mo na ang gitna at wakas

alam mo na kung anong mangyayari sa hinaharap

alam mo na kung saan tayo tataas at bababa

alam mo na kung paano mareresolba

pero wala ka pa ring ginawa

Nakakatanga nga lang

nasa ating dalawa mas nauna ka pang magsabi ng

iyong nararamdaman

mas nauna ka pang bumigay kesa sakin na nagmahal

saan ba talaga ako nagkulang?

sabihin mo baka mapunan ko pa?

sabihin mo para hindi lang ako ang nasasaktan 

SPOKENING TULA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon