Saan Patungo?

139 2 0
                                    

Nung sinaktan mo ako

sa pag-aakala na hindi na mauulit pa

minahal kita..Muli

Lumapis ang ilang araw, bumalik yung dating ikaw

yung mahal ko, yung manihal ko

yung minamahal ko

yung mamahalin ko

at yung mahal ako

Sa ilang linggong tinagal ng pagmamahalan na ito

sabi na't dito din ang patutunguhan

sa paghihiwalay dahil sa walang kwentang dahilan

sabi na't hanggan dito lang naman talaga tayo

sabi na't magsasawa ka rin

Pinakawalan na kita,

ngunit ito na muli ang aking iiwang salita

"Sa sandaling umalis ka, wala ka ng babalikan pa"

ngunit mas pinili mo akong talikuran

talikuran yung taong tumanggap sayo kahit sinaktan mo

yung taong nagmahal sayo,kahit hindi naman talaga ganon ang gusto mo

Naghanap ako ng mabisang panglanggas ngsakit dito sa aking nararamdam

hindi pala pinakuluan dahon ng bayabos o bandaid sagot dito, dahil luha ang mabisang panglaggas ng sakit na naiwan mo dito sa aking puso

sa pag aakala na mawawala ito, ay inaraw araw ko ito

sinisimulan at tinatapos ko ang araw ko sa gamutan na ito

Ang sakit lang dahil sa ating dalawa

ikaw pa ang unang nagsabi ng katagang "Mahal kita"

kung titignan nating maige ang mga salitang inukit ng sakit na iniwan mo dito sa aking puso yang dalawang yan lang ang mababasa mo

Mahal kita, kahit sa hinaba haba ng panahon nagsusugat na siya

mahal kita, kahit hirap na hirap na siya

mahal kita, kahit nasasaktan siya

mahal kita, kahit paulit ulit mo lang akong niloloko

Mahal kita

Ang hininga koy kinakapos at ang balat koy unti unting nalalapnos pag ako'y iyong niyayapos

Ako'y nagdurugo nung iniwan mo ako, pero mas nagdurugo ako nung sandaling paglingon ko nandun ka pa

nagdurugo ako sa mga tawa mo pero mas nagdurugo ako nung sabihin mo 'kung pwede pa ba?'

Nagdurugo ako, nagdurugo,nagdurugo,at nadudurog at nagdurugo, at nadudurog at nagdurugo pa rin ako

Mahal kung babalikan mo man ako, ang nais ko lang ay mga Tape, dahil ang aking puso ay akala mo binatong vase dahil sa mga kwento mong walang patutunguhan,

Sa wakas hindi na ako iiyak, pero mahal Masakit pa

―――――――――――――――――

Inspired si ako ng "Mga basang unan ni idol J.M.S"

SPOKENING TULA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon