Isang taon

101 2 0
                                    


Isang taon

Isang taon ka ng wala, Pero bakit hanggang ngayon ikaw ay aking di mapalaya

Isang taon ka ng nawala, lumayo, at nagtago gamit ang mga lupa sa ilalim at mapuputing ulap sa ibabaw.

Isang taon na... simula ng huli kong nasilayan ang nahihirapan mong, ngiting pilit at hindi kaaya kaaya sa iba.

Isang taon na, simula ng makita kitang nahihirapan. Tanda ko pa non, na kahit bumili ng pagkain sa tindahan hindi ko magawa, dahil natatakot ako na sa aking pag alis ika'y mawala. 

 Pero sige, hahayaan mo akong mag balik tanaw baka sakali mapilit kong pakawalan ka. Balikan natin nung oras na may lakas ka pa at hindi iniinda ang iyong nadarama.

Darating ako galing sa eskuwela, yakap mo ang isasalubong

sasabihin mo na walang makakapantay sa mga bisig mo na kay higpit at walang mas makahihigit sa puso mong nakalaan para sa akin.

Papasok sa umaga, kakamustahin ka't titimplahan ng kape, may pahabol ka pang wag masyadong damihan ng tamis, dahil ikaw ay may diyabetis. 

Ginawa mo ang mga bagay na hilig ko, binigay mo ang mga gusto ko, alam kong hindi mo na kaya, dahil sabi mo nga, "Matanda" ka na.

Nung gabing dinala ka sa ospital, nag alala ako, sinugod ko ang malapit na ospital pero sa huli napahiya lang ako, nasa kabilang bayang ospital ka pala. Pero hindi ko ininda ang hiya, mukhang nawala  ata ang sigla ng paborito niyong apo.Mas pinili kong hindi pumasok, kalimutan ang mga takdang aralin, at isang tabi ang aking mga hilig.

Kailangan ako ngayon ng aking SUPER LOLO, ang superman ng buhay ko.

Lumipas ang ilang linggo, nanatili ka sa ospital at ganun din ako. Ngunit isang araw, kinailangan kong lumayo, bumalik at pumasok uli.

Naging maayos ang lahat, yung ang AKALA ko.

Uwian na, at ito ako nagmamadaling bumalik sa ospital, nagdadalawang isip ako kung papapasukin ba ako ng guwardiya gayong ako'y naka uniporme pa.

Ngunit hindi ako natuloy, pinili kong bumalik sa ating tahanan, magpalit at kumain ng hindi tatagal sa ilang minuto.

Ngunit, ginimbal ako ng aking nakita. Ang bahay ay naka ayos, ang mga gamit nakatago sayong silid, Nagtanong ako ngunit hindi ko nagustuhan ang kanilang sagot, pinili kong tumawa ng payak at sabihin hindi magandang biro. Pina ulit ulit nila ang lahat. Hanggang sa hindi ko na kinayanan.

Pumunta ako sa aking silid at doon nilabas lahat ng iyak, mga luhang gustong umalpas sa harap ng iba, ngunit hindi maaari, hindi ako pwedeng mag mukhang mahina sa paningin nila, dahil kahit kailan hindi ko ginustong matulad sa iba, sa iyo ako nagmana malakas ang loob at matibay, kaya dapat kitang tularan.

Pagsapit ng gabi, heto ka na't bitbit ng  mga kalalakihan, kung ikaw ay titignan para kang matandang umang. Gusto kong tumawa dahil sa reaksyon ng iba. Pero hindi ko nagawa. Hindi ko ininda ang mga luhang una-unahang umagos sa aking mga mata.

Ang sakit pala tignan, makita ka na nakahiga sa isang kotsun. Ang ganda ng iyong "KABAONG". Ngunit hindi ka nababagay diyan.Lalo naman ng ibaba ka sa mga lupang madaming insektong. At ang kaluluwang mong napunta sa kaharian ng may kapal.

Isang taon na ngunit wala ata akong balak na pakawalan ka.

Hindi kita kayang kalimutan, dahil naging malaki ang parte mo sa aking buhay. Ngayon,kakapit ako kahit wala ka na, baka sa kaling maramdaman ko muli ang mga bisig mong nakapulupot sa akin. 

Palalayain na ba kita?

Siguro kailangan na, para matahimik ka na din, ngunit kahit sa huling pag kakataon, iparamdam mo sa aking mga bisig mo, at palalayain na kita.

SPOKENING TULA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon