HIYA

229 3 0
                                    

Sulat para taong mahal mo, sa taong pinag-alayan mo ng puso mo, pero sinuklian ka sa paraan na hindi mo akalain😁

ps: Hindi po siya Spoken Word, isang po soyang Sulat/letter, isang normal na sulat para sa taong mahal mo.

pss:😂✌ True to life story po

😍😘😂😍😘😂😍😘😂😍😘😂❤💕💔💘💖💓😂😍😘😂😍😘


Nung bata pa tayo

minahal na kita

kahit sabi ng iba

hindi pa daw dapat.

Palihim kung sulyapan, pilihim kung kuhanan ng litrato, nahihiyang lumapit kahit isang tao lang naman ang hadlang para magkalapit tayo. Nahihiyang magsalita dahil iniisip ko na baka himdi mo magustohan ang sasabihin ko.Nahihiyang magkipag halubilo sa iba dahil lahat sila iyong kaibigan.

Sabi nila 'puppy love' lang daw to

hanggang sa dumating tayo sa punto na nasa kalahitnaan ng pasok. Nalilito ako kung tama pa bang mahalin ka dahil meron ka ng iba. Natatakot akong umamin dahil sa totoo lang ang layo ko sa kanya, hindi ako maputi katulad niya, hindi ako payat katulad niya, hindi ako matangkad katulad niya, hindi din ako mayaman, katulad niya, at higit sa lahat, hindi ako siya. Hindi ako siya na laging mong sinasabihin ng mahal kita. Tanda ko pa nun, grade five tayo, magsasayaw kayo ng mga kabigan mo sa entablado para sa isang oksayon . Lahat sila naka ayos na, ngunit dumating yung oras na kayo'y mag tatanghal na, ngunit wala ka pa din. Hindi ko alam pero, bakit ang tahimik ng barkada mo, yung dating mga tarantado naging, isang kalmado. Gusto kong mag tanong,pero inunahan ako ng hiya ko, ng takot ko na baka tuksuhin lang nila ako. Kaya't mas pinili ko na maglibot sa loob ng paaralan para mahanap kita, ngunit sa aking palagay hindi ko na dapat yun ginawa. Isang malagim na senaryo lang aking nakita

ikaw at ang babaeng iyong mahal, naglalampungan sa gitna ng gabi, nais ko sanang tumili kaso pinangunahan ata ako ng hiya at umurong ang dila ko. Pinilit kong kalimutan na mahal kita, kaya't nagpakalayo-layo ako at nangakong hindi na muling babalik sa paaralan nayon. Hanggang naka tapos ako ng elementarya at alam kong ikaw din. Nag sekondarya na tayo, sabi ng iba ang laki ng aking pinagbago, ngunit sa aking palagay walang nagbago, dahil simula ng umalis ako hanggang ngayong nagsusulat ako ikaw pa din, sa mga panaginip ko ilaw lang ang lumilitaw sumusulpot na parang bula. ikaw parin ang tinitibok nitong aking puso. Pero sa tingin ko ako ang pinaka paboritong laruan ni tadhana. Dahil isang araw nakita kita, may kasamang dalawang bata, na iyong kamukha, ngunit walang ina.

Nagtaka ako, sa aking kalkulasyon tama lang ang edad ng dalawang bata para sa mga ginawa niyo noon.

Nagkasalubong tayo at naramdaman ko na naman ang kuryenteng dati pang nadaloy sa aking katawan pag ikaw na sa paligid. Para puno ng paru-paro ang aking sikmura dahil muli, nasilayan ko ang iyong mga ngiti narinig ko ang iyong mga tawa. At parang gustong kumawala ng aking puso ng ako'y iyong lingunin. Nais mo sanang lumapit ngunit mas pinili kong tumakbo, dahil ang akala kong sakit na naramdamanko noon, may isasakit pa pala. Umupo ako sa issng damuhan at pilit kina'ilimutana ang aking nasasaksihan, yumuko at humagulgol ako hanggang sa may umupo sa aking tabi at naglahad ng panyo. ganun na lang ang aking pagkabigla ng makita kita sa aking tabi, ngunit paano ang mga anak mo, yan ang aking nasa isip. Hindi mo na ako hinayaan pang tumakbo dahil mabilis mo akong niyakap, pilit akong kumakawala dahil baka abutan tayo ng iyong asawa.Ngunit muli, tinawag mo ako sa aking palayaw, palayaw na ikae lang ang tumawag sakin, napatigil ako at dun ka magkaroon ng pagkakataon na ipaliwanag ang lahat.Hindi mo sila anak, bagkus sila ang iyong mga kapatid. At hindi ikaw ang tao sa dilim bagkus ito'y iyong kakambal.

Sabi mo dahil una pa lang ako naman talaga,'Ikaw naman talaga 'pangit' ko'. 

SPOKENING TULA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon