Charice's POV
asdfghjklmnoptyuh........
HAAY..NAkakabwisit talaga yung manyak na yun. Kahit kelan talaga.
Gabi na at nasa may garden pa rin ako ng bahay namin. May swing samin at dun ako nakaupo.
Iniisip ko kasi yung mga sinabi nung unggoy-pervert na yun. Di ko nga man lamang natanong pangalan niya eh!/
GULAY!!!
Tapos kanina sa school hinahanap ko siya baka sakaling totoo siya or multo lamang na lumalabas para bigyan ako ng direction kung anong gagawin ko?.
HHAYYYY!!
"15, pang-15 mo na yung sigh!",halos matumba nako dito sa swing sa sobrang gulat. Bigla ba namang sumulpot ang mukang multong toh.
HAHHAH joke. Si Jasmine yun.
"GAGA! bat ba sulpot ka na lang sulpot kung saan-saan? para kang kabote?", sigaw ko sa kanya.
Lumapit naman siya sa akin. At naupo din sa swing.
"At least ako ay isang kaboteng maganda. Eh bakit ba kasi nag-0eemote ka dyan? Kay clarence na naman?? Naku!!! isusumbong na kita kay tita.", sabay lagay ng kiwi sa mga mata nito.
Katapat lang namin ang bahay ni Jasmine. KAya nakakapunta siya dito. Dito rin siya natutulog samin dahil sa nasa bakasyon ang parents niya. NAGBAKASYON DAHIL SA SOBRANG STRESS NA BINIBIGAY NI JASMINE!!. joke :P
"Tol. Huwag!! baka mamaya magpakilala na naman si mama ng lalaki at iaarrange marriage na naman ako. NAKU!!! iaarrange ko na kabaong mo pagnagkataon.", sabi ko sabay nguso sa kanya.
"KAY FINE!! basta may ruffles hah...HUWAG PINK, purple gusto ko. Lagyan mo ng TV. Hah, para baka sakaling mabuhay ako eh malilibang ako sa 6feet below the ground", sarcastic niyang sabi. AT ANG SHUNGENGOT talaga neto.
HAy. Nagtataka kayo noh at may pa-arrange-arrange pang nalalaman.
Well, simula ng mamatay si daddy, 3 years ago. Si mama na ang nag-asikaso ng kompanya ni daddy. Dahil sa matalino si mommy, lumago ito ng pagkalaki-laki. Madami tuloy mga tao ang gustong magkaroon ng connection sa kompanya namin.
Dahil dun, madaming mga may-ari ng kompanya ang nagdadala ng lalaking ka-age ko. Pinapakilala nila ito kay mama, at sinasabi naman ni mama na nagugustuhan niya ang personality ng mga anak nito.
Pero ang main point lang ng mga bussinessman na ito ay i-arrange ako sa mga anak nila. Para magkaroon ng connection ang kompanya nila sa kompanya namin.
Sa sobrang dami ng nagdadala ay di malaman ni mama ang pipiliin niyang i-arrange sakin. Kaya gada pag-uwi ko non. May imi-meet si mama saking lalaki.
Well, kung si amma gusto personality nila.Pwes ako hindi. Ayoko nga ding gamitin ako para maka-connect lang sa kompanya namin.
Kapag sinabi kong 'no'. Sorry na lang ang may-ari ng komapanya na yun. Dahil hindi ito makaka-connect sa kompanya namin.
Kung ano naman ang gusto ko, yun ang sinusunod ni mommy. Kaya di ako nagagalit kay mama. NAIINIS lang, kasi sinabing ayaw ko na magmeet ng mga lalaki. Patuloy pa rin.
Pero buti na lang at naging kami ni Clarence. Pero wala namang connect ang kompanya nila sa kompanya namin kaya no need for connections. Simula din nun, natigil si mama.
Pero, ewan ko ngayon kung alam na niyang wala na kami ni Clarence.
Baka magpameet na naman si mama.
"Che! Dami mong alam.", yun na lang nasagot ko sa kanya.
"At least ako madaming alam. Di tulad mo puro 'Clarence! Clarence! Clarence!'", sigaw siya ng sigaw dun. Buti na lang at wala pa din si mama. KUNG HINDI!!!!
"Che!! hmmm.... Jass. May itatanong ako sayo."
"Ano??", sabay lagay ulit ng mga kiwi sa mata. Inalis kasi niya gawa ng nahuhulog din naman.
"Kung sobrang mahal mo talaga ang isang tao....? IPAGlalaban mo ba siya??", tanong ko as in para kong bata na nagpapaalam sa nanay kung pede magcomputer. Samantalang ang nanay ay nagdadalawang-isip pa.
"Well, oo naman....MAHAL ko nga eh. Syempre, di ko iiwan yun. Di ko hahayaang mapunta siya sa iba. Kaso----", di ko na siya pinatapos at umalis na kagad ako.
'Salamat.Love you.!", yun na lang pahabol ko.
Narinig ko pa siyang nagsasalita ng kung ano-ano.
IDONT CARE...hahahaha
Ngayon sisimulan ko ng lumaban para kay Clarence.
Mahal ko taaga si Clarence. dahil siya ang nagparamdam sakin kung pano magmahal ng ganito.
Di ko hahayaang mawala na lang siya ng ganun-ganun noh!!.
I will.
.
.
.
..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
FIGHT :D