I. Crush

42 8 43
                                    


Ikaw ang dahilan kung ba't may ngiti sa aking labi
Ikaw rin ang sanhi kung bakit wala na ang magagandang ngiti sa aking labi
Dahil sayo natutong magkagusto
Pagkagustong nauwi sa pagmahahal na hindi ko ginusto

Hinangaan kita dahil sa taglay mong talento
Sa paglipas ng mga araw lumalim ang pag ka-gusto
Mapapansin mo nga ba ako kung nakatuon naman yang mata mo sa taong gusto mo,
Hindi mo ako mapapansin dahil hindi ako ang isinisigaw ng iyong puso

Pangarap na lang ba ang maging tayo,
O magiging katotohanan pa ang salitang tayo?
Mayroong nga bang salitang tayo?
O maniniwala na lang sa sinabi nilang kailanman ay hindi magiging tayo

Hindi ko pinagsisihang nakilala ka sa araw na iyon
Dahil sayo nagkaroon ng kulay ang madilim kong mundo
Ngunit dahil sa iyong pag dating nagulo ang tahimik kong mundo
Hindi ko lubos maisip na hindi na pla ako makakaahon

AnguishWhere stories live. Discover now