VII.Behind those smile

15 3 17
                                    

Ngiti
Tawa
Halakhak
Mga bagay na makikita mo sa akin
Pero sa likod ng mga bagay na yan ay may mga luhang nag-uunahan.

Iniisip ko kung saan ako nagkulang,
May nagawa ba akong hindi tama?
Bakit mo nagawa sa akin to?
Mga katanungang patuloy na tumatakbo sa aking isipan.

Nakikita mo akong tumatawa,
Pero hindi ibig sabihin nun ay masaya ako.
Hindi ako kasing tibay mo,
Na Kayang maging masaya kahit na malayo ang mahal mo.

Hanggang kailan  itatago ang tunay na nararamdaman?
Hanggang kailan ngingiti sa harap ng ibang tao?
Hanggang kailan makikisama?
Hanggang kailan?

Pagod na akong magkunwari,
Buong buhay ko ay puno na ng pagkukunwari.
Kailan ba matatapos ang pagdudusa ko,
Hanggang saan ang itatagal ko.

Nang dumating ka sa buhay ko,
Nakaramdam ng labis na saya ang puso ko.
Sa wakas may kaagapay na ako,
Pero sa isang iglap naglaho na parang bula.

Heto ako balik sa dati,
Balik sa pagkukunwaring masaya.
Pinapakitang masaya,
Pero sa loob-loob ko hindi ko na kaya.

Pagod na pagod na ako,
Kailangan ko bang baguhin ang sarili ko?
Para lang mapansin niyo,
Para maging in sa inyo?

Huwag mong sabihing naiintindihan mo ako,
Wala ka sa lugar ko para maintindihan ako.
Hindi mo alam kung ilang luha na ang nasayang,
Dahil ang tanging nakikita mo ay ang ngiti sa aking labi.

Mga ngiting may tinatagong pighati,
Pighating kay hirap takasan.
Na kahit anong gawin ko ay nandoon pa rin ang sakit na nadarama,
Kaya minabuti ko na lamang itago ang lahat sa pamamagitan ng pag ngiti.

AnguishWhere stories live. Discover now