VIII.Betrayed

12 3 9
                                    

Kung sino pa 'yong taong pinahalagahan mo siya pa palang mananakit sayo,
Kung sino pa yong  pinagkatiwalaan mo siya pang magtatraydor sayo.
Hindi ko lubos maisip na sa lahat ng taong pinagkatiwalaan ko ikaw pa na kaibigan ko,
Kaibigan nga bang maituturing ang tawag sayo?

Pinahalagahan ko ang samahan natin,
Anong nangyari ?
Hanggang ngayon ay di ko mawari,
Bakit ka nagbago?

May pagkakamali ba ako?
Nagkulang ba ako?
Buong akala ko sapat na ang pagkakaibigan natin,
Pero bakit? Bakit mo nagawa sa akin eto?

Masakit,sobrang sakit,
Ano ba ang dapat kong gawin?
Pagkakaibigang ilang taon nating pinagsaluhan,
Nasayang lang dahil sa  napakaliit na bagay.

Ang hirap tangapin,
Na sa kabila ng lahat nakuhang pagtaksilan.
Pagtaksilan na hindi ko inakalang magagawa ng isang tulad mo,
Dahil labis kitang pinagkatiwalaan.

Mahal kong kaibigan nakalimot ka ba?
O gusto mong ipaalala ko ang mga araw na ating pinagsaluhan.
Mga masasayang bagay na ating ginawa,
Mga binuo nating pangarap na sabay nating aabutin.

Nasaan na lahat ng iyong?
Nawala na parang bula.
Nasayang ng walang kahirap-hirap,
Mag-isa ko na lang bang aabutin ang lahat?

Hinintay ko ang iyong paliwanag,
Ilang araw,linggo,buwan at nagdaan na ang taon sa paghihintay
Ngunit hindi ka nagparamdam
Hindi ka nagpaliwanag

Nasaktan ako ng labis
Ang pighating nararamdaman ay labis kong dinamdam
Bakit kailangang humantong sa pagtataksil ang lahat?
Bakit kailangang may masaktan?

Heto ako ngayon sa isang tabi aking kaibigan,
Nagmumokmok,
Nag-iisip
Ano ba ang nararapat na gawin?

Mahal kong kaibigan ika'y aking pinapatawad,
Mga pagkakasalang iyong nagawa ay akin na lamang uunawain
Iyong desisyon na ginawa ay aking rerespetuhin
Ang tanging hangad ko lamang ay mag kaayos tayo, hindi man gaya ng dati atleast tayo'y magkaibigan ng muli.

Maraming salamat dahil ika'y nakilala
Maraming salamat noong panahong kailangan ko ng karamay
Maraming salamat sa lahat
Paalam na mahal kong kaibigan.

AnguishWhere stories live. Discover now