XI.Akala

7 3 7
                                    

Akala ko wala na
Akala ko hindi na masakit
Akala ko kaya ko na
Akala ko limot ko na

Akala ko lang pala ang lahat
Dahil hanggang ngayon nasa sistema pa rin kita
Masakit isipin na kailanman ay hindi mababaling ang pagtingin mo sa akin
Paano ka nga ba alisin sa aking sistema?

Masakit, kasi nakikita kitang masaya sa kanya
Ano nga bang magagawa ko?
Alam ko namang di ka magiging masaya sa piling ko
Bakit di ko makuhang maging masaya?

Sobrang sakit
Na sa dinami-rami ng pwede mong magustuhan kaibigan ko pa
Bakit kaibigan ko pa?
Ngayon sabihin mo sa akin kung paano ako hindi masasaktan ng sobra

Akala ko masaya na ako,
Nakita ko lang kayong magkasama
Bumalik ang sakit na nadarama
Di na makuhang ngumiti pa

Mga luhang pilit na ikinukubli
Sa pamamagitan ng matamis na ngiti
Napapawi ang pighati
Naitatago ang mali

Hanggang kailan maniniwala sa salitang akala
Hanggang kailan maniniwala sa kasinungalingan
Hanggang kailan magtatago
Walang kasiguradohan kung hanggang kailan hanggat patuloy na naniniwala sa salitang akala

AnguishWhere stories live. Discover now