III.Kaibigan

28 5 29
                                    

Sa mundong puno ng pagbabago
May ilang taong mananatili sa aking puso
Kasama ko umaraw man o bumagyo
Sila ang kaibigan ko

Dumaan man ako sa kalungkutan,
Sila'y mananatiling andiyan.
Handa akong patawanin ng walang hanggan
At magsilbing lakas kapag ako'y mauubusan.

Kaibigang maaasahan at mapagkakatiwalaan,
Kaibigang maiiyakan at malalapitan,
Kaibigang handa kang ipaglaban at
Kaibigang magtutuwid sa iyong daan.

Di man ako perpekto pero ako'y tanggap,
Sasamahan ako sa pag-abot ng pangarap.
Hindi ako iiwan sa lungkot at hirap,
Papasayahin ako ano man ang mangyari dahil ang tunay na mag kakaibigan ay hindi nag-iiwanan

AnguishWhere stories live. Discover now