XIV. Huling Pagbati

4 0 0
                                    

Isang alaala  ang muling pumasok sa aking isipan
Alaala ng kahapon na  kay sarap balikan
Na kailanman ay di na mauulit
At huwag ng ipilit dahil sakit ang kapalit

Ilang araw na lang ang hihintayin
Kaarawan mo'y sasapit din
Masasayang alaala ay aking sasariwain
Dahil yon lang ang kaya kong gawin

Nais kong batiin ka ng maligayang kaarawan
Bagama't di mo ito mababasa
Atleast naipahayag ko ang nasa isipan
Heto lang ang kaya kong ihandog para sayo

Maligayang kaarawan aking mahal
Tanda mo pa ba sa tuwing sumasapit ang iyong kaarawan
Sabay nating ginugunita
Pero ngayon ay wala na

Kay sarap ng kahapon
Pero kay pait ang dulot ngayon
Ang dating masayang pagtitinginan ay nawala
Nawala ng parang bula

Ang pamamasyal natin ng sabay
Ang pagpasok sa eskwelahan
Ang paghihintay sa tuwing ako'y ginagabi
Ang paghatid sa bahay

Nawala na ang lahat
Mga pinagsamahan natin na iyong tinalikuran
Pilit na pinapaalala
Pilit mo ding kinakalimutan

Kaya't heto na ang huli
Kailangan na nating tapusin
Sana ay manatili pa rin tayong  magkaibigan
Maligayang kaarawan

AnguishWhere stories live. Discover now