XIII.Second Option

8 2 10
                                    

Masaya ako kasi pinili mo ako
Masaya ako kasi natutunan mo rin akong mahalin
Masaya ako na ika'y naging akin
At nag karoon ng salitang tayo

Sa bawat araw na lumilipas
Minahal kita ng labis
May oras na nakalaan para sayo
Ganun kita kamahal

Pagmamahal ko sayo'y pinaramdam
Pero bakit di ko maramdaman na ako'y iyong mahal
Hindi pa ba sapat?
O hindi ko siya kayang higitan?

Ako'y nakaupo sa isang madilim na kwarto
Nag-iisip,hindi mapakali
Mauulit nanaman ba ang kahapon?
Yan ang tanong na pumapasok sa aking isip

Naalala ko hindi pala ako ang iyong tunay na gusto
Buong buhay ko
Lagi kong pinapatunayan ang sarili ko sa ibang tao
Para lang matanggap ako

Pero kahit anong gawin ko
Masakit isipin, mahirap sabihin pero ito ang totoo
Bakit? Bakit? Bakit?
Bakit laging second option ako

Hindi ba pwedeng ako rin
Ako rin ang unahin niyo
Ako rin ang isipin niyo
Ako rin ang unang pahalagahan niyo

Mula sa magulang ko
Hanggang sa mga kamag anak ko
Lagi na lang ba?
Laging second option

Kelan niyo ako uunahin?
Pagod na ako
Pagod na pagod
Pagod na akong ipagsiksikan ang sarili ko

Nong dumating ka sa buhay ko
At sinabi mong mahal mo ako
Naniwala ako
Pinaniwalaan ko ang mga salitang binitiwan mo

Sa umpisa lang pala ang lahat
Nalaman ko sa kaibigan mo
Na hindi mo talaga ako gusto
Kaya naging tayo para mapawi ang sakit na dulot niya sayo

Pangalawa na nga ako
Naloko pa ako
Ano bang ginawa ko
At pinapahirapan niyo ako ng ganito

Gusto ko ng sumuko
Gusto kong wakasan ang buhay ko
Pero di ko magawa
Kasi nangako ako, nangako ako sa sarili ko na darating ang panahon ako naman ako naman ang uunahin niyo

AnguishWhere stories live. Discover now