IX. Maling Pag-ibig

5 3 4
                                    

     hi kuya kenji thank you sayo kasi binigyan mo ako ng idea 😘😘 makakahanap ka rin ng para sayo balang araw 😉

---------------
Masaya
Puno ng pagmamahalan
Nangarap ng sabay
Hiniling na magkasamang tumanda

Mga bagay na ating pinagplanuhan ay nasayang lang,
Minahal kita ng labis pero sakit ang isinukli.
Mula noong makilala ka sayo na umikot ang mundo ko,
Minahal kita higit pa sa sarili ko kahit na puro sakit ang hatid mo.

Mga katagang iyong binibitawan ay aking pinapahalagahan,
Na sa kabila nito ay puro kasinungalinan .
Nabulag ako sa pagmamahal ko sayo,
Pero para sayo ito'y isang laro .

Naalala mo pa ba noong nagtapat ako sayo at sinabi kong mahal kita,
Hindi ka nakasagot kasi hindi ka pa sigurado.
Pero kahit na ganun ang nangyari pinakita ko pa rin ang pagmamahal ko sayo,
Hanggang sa sinabi mong mahal mo na rin ako.

Pinaniwalaan ko ang salitang mahal mo na rin ako,
Pero para sayo ito'y balewa  dahil malayo ako sa iyo.
Bakit? Bakit sinabi mong mahal mo ako kung hindi mo kayang panindigan?
Bakit pinaramdam mong mahal mo ako kung iiwan mo rin akong luhaan?

Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko?
At nakuha mong maghanap ng iba.
Oo aaminin ko malayo ako sayo pero hindi hadlang yon para hindi ko maipakita sayo kung gaano kita kamahal,
Kaya wag mong irarason sa akin na malayo ako.

Pumasok tayo sa isang relasyon,
Akala ko totoo ang lahat
Akala ko pareho tayong masaya akala ko  lang pala
Nagkamali  ako.

Tama bang mahalin ka?
O mas tamang itanong karapatdapat ka ba sa pag mamahal ko?
Pagmamahal na nasayang lang,
Pagmamahal na napunta sa maling tao.

Mahirap tanggapin
Ang sakit sa damdamin
Gusto ko mang piliting, ika'y maging akin
Tama na, puro sakit lang aking sasapitin.

Pagdating ng araw na mahal mo na ko.
Huli na ang lahat, nakalimot na ko.
Yung mga pangarap natin tuloy parin.
Pero hindi na ikaw kasama ko.
Dahil may mahal na kong iba.
---
Lame ✌✌

AnguishWhere stories live. Discover now