XIX. Ulan

0 0 0
                                    

Sa pagbuhos ng ulan ay kasabay ng pagluha ng aking mga mata
Mga matang minsan ng napuno ng saya
Saya na dulot mo'y nakakahalina
Nakakalimutan ang problema kapag ika'y tumatawa

Ngunit biglang nagbago
Ang dating samahan ay biglang naglaho
Hindi ko lubos maisip kung ako ba ang nagkulang o
Mas pinili mong lumayo

Heto ako sa tabi ng bintana
Pinagmamasdan ang bawat patak ng ulan
Inaalala ang ating nakaraan
Nakaraan na puno ng saya

Sabi ko sa sarili ko
Magpapakatatag ako sa'yong paglayo
Ngunit heto nanaman ako
Bumabalik sa nakaraan na ikaw at ako ang bumuo

Hindi maipaliwanag ang sakit na nadarama
Akala ko tapos na,akala ko lang pala
Bakit hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ang sakit na dulot mo
Hindi pa ba ako naka move on katulad mo

Masaya ka na sa piling niya
Habang ako ay patuloy na nasasaktan
Gusto man kitang agawin alam ko sa sarili kong wala akong laban sa kanya
Kaya mas pinili kong manahimik at hayaan ka kung saan ka sasaya

Sana sa susunod na pagbuhos ng ulan
Sakit na dulot mo'y  naibsan
Nang sa muli nating pagkikita
Maigagawad ko na sayo ang tamis ng aking ngiti oh aking sinta


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AnguishWhere stories live. Discover now