XVII.

1 0 0
                                    

Nasaan na ang dating tayo
Bakit biglang nagkalayo
Mga ngiting inaasam
Di na muling makakamtan

Alaala mo'y di malilimutan
Lumipas man ang araw at buwan
Samhang mananatili sa aking isipan
Ano't ano pa man

Ang iyong paglayo ay labis kong ikinalungkot
Ang puso ko'y napuno ng takot
Patawad sa aking kapangahasan
Pasensya na aking kaibigan

Hindi ko sinadyang ika'y mahalin
Hindi rin balak na ika'y angkinin
Ang nais ko lang ay iyong damhin
Pagmamahal na inihain

AnguishWhere stories live. Discover now