X.Hanggang Kailan

11 3 21
                                    

Dedicated to supergirl062417

Musika ang naging  sandalan upang makalimot sa sakit na nararamdaman,
Pero musika rin ang magbabalik sa sa sakit na di ko malimutan.
Hanggang kailan ako magtiis
Hanggang kailan

Lagi nalang ba akong iiyak sa isang tabi?
Tanggap ko naman ang katotohang hindi mo ako gusto
Pero bakit hanggang ngayon ikaw pa rin ang laman ng isip ko
Kaya sa tuwi-tuwina may mga luhang kusa nalamang umaagos

Heto ako patuloy na nasasaktan
Dahil patuloy na umaasa
Na balang araw pagmamahal ko'y iyong masuklian
At  iyong maunawaan

Alam kong malabong mangyari
Ngunit anong magagawa ko
Iyon ang sinisigaw ng aking puso
Kahit pagod na ako heto pa rin ako patuloy na nagmamahal sayo

Araw gabi ay naghihinagpis
Dahil ang pagmamahal ko sa'yo ay labis
Tunay ngang nabulag ang puso ko sayo
Kahit nasasaktan na ikaw pa rin ang tinitibok nito

Hanggang kailan ako magdurusa?
Kung mapa hanggang ngayon ay di ka maalis sa aking sistema
Ano ba ang dapat gawin?
Ayoko na ako'y pagod na

Limutin ka'y di ko magawa
Mga bakas ng kahapon ay sariwa pa
Hanggang kailan,hanggang kailan ka mananatili sa sistema ko
Gusto ko ng ibaon sa limot ang kahapon

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Kahit na ika'y lumayo
Mga alalang iyong naiwan
Ay akin nalamang pahahalagahan




AnguishWhere stories live. Discover now